• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: COVID-19 holiday surge hindi pa nalusutan, paglobo ng kaso baka ‘mid-January’

Kahit na mababa ang mga naitatalagang bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong mga nagdaang araw, hindi nangangahulugang nalusutan na ng Pilipinas ang paglobo ng mga kaso dahil sa nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Binabantayan kasi ng gobyerno ang biglaang pagsipa ng mga kaso dahil sa kaliwa’t kanang salu-salo at pagtitipon sa nakaraang holiday season.

 

 

“We are expecting — if and when this [post-holiday] surge would really happen — na… mid-January baka diyan lalabas ‘yung pagdami ng kaso at tataas talaga,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes.

 

 

“Basically because itong laboratories natin would be fully functional already and fully operational starting today… Ang naka-apekto talaga would be the non-operational laboratories during the holiday season and the health-seeking behavior of our constituents and individuals.”

 

 

Maliban sa marami raw kasi ang hindi kumukunsulta sa health experts nitong holiday season para makapagpahinga, meron pang 14-day incubation period ang isang nahawaan bago magpakita ng sintomas.

 

 

Dahil dito, bumaba ang bilang ng mga datos na hindi naibibigay ng mga laboratoryo sa gobyerno.

 

 

Una nang nasipat ng Philippine College of Physicians (PCP) na mangyayari ito sa parehong panahon na nabanggit ng DOH.

 

 

“From the recent numbers, we were averaging a total of about 36,000 laboratory submissions per day. It went down to about 22,000 for this holiday season,” dagdag pa ni Vergeire.

 

 

“Malaking bagay ‘yung 12,000 na nawala dun sa outputs na sinu-submit sa atin. And we would also take note… na bumaba talaga ‘yung mga number of cases that we are reporting per day.”

 

 

Tinatayang nasa 5% ang natapyas sa bilang ng positive cases sa buong bansa bunsod nito, habang nasa 4% naman ang ibinaba nito sa Metro Manila.

 

Suspensyon ng mga laboratoryo

 

Dahil sa paulit-ulit na hindi pagsusumite ng ilang mga laboratoryo ng mga datos, napilitan ang gobyerno na parusahan na ang ilan sa kanila.

 

 

Kulang-kulang kasi ang naipipintang larawan ng COVID-19 situation sa bansa dahil dito.

 

 

“We were able to suspend the license of one of the big laboratories last December 29 because of its continuous non-compliance to our reportorial requirement,” dagdag pa ni Vergeire.

 

 

“Kahit po tayo ay nasa pandemya, kung talagang hindi po namin kayo mahihikayat na tumugon sa hiling ng ating gobyerno na tumulong kayo sa amin ay hindi namin mapapayagan na mag-continue kayo ng operations.”

 

 

Hindi naman pinangalanan ng DOH kung anong laboratoryo ang sinuspindi. Bukod pa ‘yan sa apat pang laboratoryo na inaasahang isyuhan ng suspensyon.

 

 

Back to normal naman na rin naman daw ang COVID-19 Data Repository System (CDRS) matapos nitong makaranas ng mga “glitch” nitong nakaraan, at hindi rin daw gaano naka-apekto sa mga bilang. (Daris Jose)

Other News
  • Panelo, sinopla si Sotto; Estratehiya ng administrasyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, binago na

    BINAGO na ng Duterte administration ang estratehiya nito sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang tugon sa naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa gobyerno na maghanap ng ibang paraan para labanan ang Covid-19 at huwag lamang umasa sa bakuna. […]

  • Pagsisikapan pa ring maabot sa totoong buhay: Pangarap ni JO na maging lawyer, natupad na sa legal drama-serye

    HINDI naiwasan na maitanong kay Matteo Guidicelli ang tungkol sa usap-usapang sigalot sa kanyang asawa na si Sarah Geronimo at sa matagal na nitong backup dance group na G-Force ng choreographer na si Teacher Georcelle.   Sa 20th anniversary concert ni Sarah, kapansin-pansin na wala ang G-Force, at may mga bagong choreography sa kanyang mga […]

  • ICC, dadaan sa butas ng karayom bago mailantad ang katotohanan sa drug war sa bansa

    DADAAN SA BUTAS ng karayom at magiging mahirap para sa International Criminal Court na ilantad ang katotohanan sa drug war sa bansa.   Ito’y dahil na rin sa posisyon ng Philippine government na hindi makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa nasabing usapin.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na […]