• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arwind Santos, masayang nagsuot ng throwback jersey!

MAGSUSUOT ng mga lumang yuniporme o throwback jersey ang defending champion San Miguel Beer sa binuksan na nitong Linggo, Oktubre 11 na 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Angeles City, Pampanga.

 

Mga playing uniform iyon sa mga dekada 70, 80 at 90 sa panahon nina four-time Most Valuable Player Ramon Fernandez, Avelino (Samboy) Lim, Jr. , Hector Calma, at iba pa.

 

Pahapyaw na inabot na lang ang mga kasuotan ni SMB coach Leovino (Leo) Austria, pero iba o ilan ay mga ramdam pa sa kanilang likod ang mga iyon sa mga nasabing panahon ng propesyonal na liga.

 

Tanggap ni Arwind Santos na siya na ang may pinaka may edad sa kasalukuyang mga manlalaro ng Beermen sa bulang na 39 na taon.

 

“Pero wala pa aniya siyang arthritis,” natatawang pahayag ng 2013 MVP at nine-time champion sa media availability Linggo sa Quest Hotel sa Clark.

 

Nakakasasabay pa rin sa mga mas batang teammate ang SpiderMan ng PBA sa paglalambitin sa rim.

 

“Sabi ko sa mga bata, hindi pa time,” hirit ng 2006 first round, second overall pick.

 

May dagdag ang 6-foot-4 forward sa mga kababayan niya sa Pampanga na hindi napagbibigyan sa mga hiling na pa-selfie sa kanya.

 

“Humihingi rin po ako ng pasensiya sa mga kabalen ko na nag- aabang sa practice, pasensiya na po hindi namin kayo malapitan, makamusta. Alam ko ‘yung happiness, ‘yung pakiramdam na makapagpa-picture sa amin,” dugtong ng basketbolista.

 

Tiubong Angeles Santos kaya parang homecourt niya ang Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center na playing venue ng mga laro hanggang Disyembre. Hanggang Porac nga aniya, nararating sa paglalaro noon.

 

“Sa mga kabalen ko, dito kasi ako nagsimula, nag-pedicab pa ako nu’n,” panapos na tanaw-balik ni Santos. “Masaya ako para du’n dahil dito ako sumikat, dito ako nakilala. Kaluguran ko sila, sobra!” (REC)

Other News
  • Nabalewala ang re-appointment ni PRRD kay Liza: TIRSO, napili ni PBBM na maging bagong chairman ng FDCP

    NAGING usap-usapan sa apat ng sulok ng showbiz noong Lunes, July 4, 2022, na may bagong i-apppoint si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).     Marami rin ang nakapansin ng post ni Direk Joey Reyes sa […]

  • ALESSANDRA, nagwagi na rin ng Best Actress sa ‘Gawad Urian’ after ng ilang beses na na-nominate

    CONGRATULATIONS sa lahat ng winners ng Gawad Urian.     Top acting winners sina Alessandra de Rossi (Best Actress) for Watch List (na finally ay nagwagi na rin after na ilang beses na siyang na-nominate na naturang category), Nanding Josef (Best Actor) for Lahi, Hayop, Hazel Orencio for Lahi, Hayop and Dexter Doria for Memories […]

  • Manuel, Alaska Milk nagpapataasan ng ihi

    PAREHONG nagmamatigasan sa isa’t isa si Victorino ‘Vic Manuel at ang Alaska Milk kaya wala pa ring nangyayari sa inisyal na usapan para sa contract extension ng Aces baller patungo sa pagbubukas 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril  9.     Maaaring ikunsidera ng 33 taong-gulang, 6-4 ang taas na forward […]