• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wag lang magkuripot Alaska Milk: Manuel handang patali

MAAARI pa ring magpapako sa Alaska Milk ang naghihimagsik na si Victorino ‘Vic’ Manuel basta’t huwag lang magkuripot sa kanya ang Aces sa panibagong kontrata umpisa sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9.

 

Namutawi ito sa 33-taong-gulang, may 6-4 ang taas at tubong Licab, Nueva Ecija sa pagdalo sa Sports All-In araw ng Lunes na napanood ng Opensa Depensa, dalawang araw makaraang galit na ihayag ng power forward ang pagsibat sa Uytengsu franchise.

 

Ugat ito sa dalawang taong alok lang na contract extension na may P420K monthly maximum paycheck ng prangkiga, pero may team, option pa ang ikalawang taon, ayon sa coach ng gatas na si Jeffrey Cariaso sa kaagahan ng Enero.

 

Pero ngayong nabatid ng incoming nine-year pro veteran ang hinaing niya sa koponan sa pamagitan ng kanyang  magaling na agent-manager na si Danny Espiritu, kumpiyansa siyang itaas ni Alaska governor/team manager Richard ‘Dickie’ Bachmann ang kontrata sa tatlong taon na aabutin sa P15M.

 

“Hindi pa natin alam kung ano mangyayari. Kahit ano man mangyari, kailangan mag-move on. Kahit mawala ako, nandiyan pa rin naman ‘yung team at ‘yung players. Nandiyan pa rin yung suporta ko,” lahad ng basketbolistang produkto ng PSBA Jaguars. “Malay natin makasundo pa.”

 

Makukuntento na sina Manuel at Espiritu sa tatlong taon ang babaguhing kasunduan na magiging  garantisado ito para sa manlalaro lalo’t palagay na ang una sa team na bahay niya ng pitong taon. (REC) 

Other News
  • Pagbubukas ng sinehan, arcade kinansela ng Metro Mayors

    Nagpasya ang mga alkalde sa National Capital Region na suspendihin pansamantala ang operasyon ng mga sinehan at amusement arcades sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.     Sinabi kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na may resolusyong ilalabas ukol dito na lalagdaan ng Metro mayors ngayong Lunes (Marso […]

  • General Tinio U-turn slot sa EDSA sinaraduhan

    Ang U-turn slot na nakalagay sa Caloocan sa may kahabaan ng EDSA ay sinaraduhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Simula ngayon, ang U-turn slot sa General Tinio ay sinaraduhan upang masiguro ang daloy ng mg EDSA Carousel buses na walang sagabal sa kahabaan ng EDSA.   “Affected motorists should take a turn at […]

  • Mga Pinoy, hindi puwedeng maging choosy sa bakunang ituturok sa kanila laban sa Covid-19

    HINDI maaaring makapamili ang mga mamamayang Filipino o maging choosy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang makukuha nila mula sa pamahalaan.   Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang mga bakunang inaprubahan ng drug regulator ay ” all potent, they are all effective.”   “There will be no discrimination at saka hindi kayo makapili […]