• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Honasan inabswelto sa pork barrel scam

Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Senador at ngayon ay Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan at pito pa kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

 

Sa 52-pahinang ruling ng anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na magpakita ng ebidensya para patunayang guilty sa kaso si Honasan kung saan ang ‘presumption of innocence ‘ ay pumabor sa akusado.

 

Pinawalang sala rin ang pito pang mga opisyal ng National Council on Muslim Affairs (NCMF) na sina Galay Makalingan, Mehol Sadain, Auroran Aragon-Mabang, Fedelina Aldanese at Olga Galido.

 

Si Honasan ay inaku­sahang nagkamal umano ng P29.1 milyon sa kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas lalong kilala bilang pork barrel para umano sa isang Non-Government Organization (NGOs) na hindi dumaan sa proseso ng public bidding.

 

Si Honasan ang ika­apat na Senador na nasampahan ng kaso sa kontrobersyal na P10 bil­yong pork barrel scam ng negosyanteng si Janet Lim- Napoles. Ang iba pa na sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, dating Senador Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla ay ipinagharap ng kasong plunder at nakulong. Si Estrada at Enrile ay nakalaya matapos na magpiyansa habang pinawalang sala ng korte si Revilla. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Gyms, fitness centers at iba pa pinayagan nang magbukas ng IATF

    Simula sa Sabado ay inaasahang magsisibalikan na ang mga fitness buffs sa mga gyms at fitness centers.   Ito ay matapos ihayag kahapon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na muling buksan ang mga gyms at fitness centers sa gitna […]

  • Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, tuluyang nang sinibak ni PDu30

    TULUYAN nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.   Si Mauro ay nahaharap ngayon sa maraming kaso dahil sa pananakit sa sarili nitong kasambahay na makikita sa ilang CCTV footages na isinapubliko ng Brazilian media.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na […]

  • Kharkiv, Ukraine inulan ng missile sa Russia

    NAGDULOT  ng malawakang damyos ang ginawang pag-atake ng Russian forces sa residential areas ng Kharkiv, Ukraine.     Sinabi ni regional head ng Kharkiv na si Oleh Synehubov na gumamit ang Russia ng Grad missiles isang artillery system na nakalagay sa truck na kayang pagkawala ng maraming missiles sa nasabing lugar.     Tinarget umano […]