• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gyms, fitness centers at iba pa pinayagan nang magbukas ng IATF

Simula sa Sabado ay inaasahang magsisibalikan na ang mga fitness buffs sa mga gyms at fitness centers.

 

Ito ay matapos ihayag kahapon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na muling buksan ang mga gyms at fitness centers sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

Ngunit ito ay gagawin lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at sa limitadong operasyon.

 

“Inilabas namin ‘yung rekomendasyon kahapon at napag-usapan din kagabi, kinonfirm naman nila ‘yung mga ni-recommend ng DTI para po sa dahan-dahan na gradual reopening,” ani Lopez sa panayam ng DZMM Teleradyo.

 

Puwede na ring buksan ang mga review centers, internet shops, personal grooming services at drive-in cinemas sa 30 percent capacity lamang.

Other News
  • Kasal nila ni Abby, sa November na: JOMARI, gagarahe na dahil kasama na ang ‘the one I love’

    TULOY na tuloy na pala ang civil wedding nina Paranaque City Councilor Jomari Yllana at Abby Viduya ngayong November 2023.     Sa media launch para sa Motorsport Carnivale 2023 na ginanap sa Okada Manila, una itong naikuwento ni Abby, na super excited na sa wedding nila ni Joms na gaganapin sa Las Vegas, Nevada. […]

  • ‘Kapalaran’ ni GARY, bagay na bagay sa themesong ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ kaya napili ni COCO

    SA celebrity screening ng pilot episode ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ namin unang narinig ang bagong version ni Gary Valenciano ng ‘Kapalaran’ na pinasikat noong ’70s ni Rico J. Puno, na may kurot sa puso habang pinakikita ang mabigat na eksena ni Miles Ocampo na kung saan nanganganak siya sa loob ng isang palengke.     […]

  • 10,000 slots para sa educational subsidy program, bubuksan ng GSIS

    NASA 10,000 slots ang bubuksan ng state-run Government Service Insurance System (GSIS) para sa Educational Subsidy Program para sa academic year 2022-2023.     Sa ilalim ng programang ito, nasa 10,000 college students ang magagarantiyahan ng P10,000 mula sa GSIS kada taon hanggang sa matapos ang kanilang napiling kurso.     Bahagi ng corporate social […]