• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto patuloy ang paglaki

Mas lalo pang tumangkad si Kai Sotto na magi­ging malaking tulong sa nakatakdang pagsabak nito sa NBA G League na lalarga sa susunod na buwan sa Orlando, Florida.

 

Isang pulgada pa ang itinangkad ni Sotto na mayroon nang 7-foot-3 sa huling update ng kanyang height na ipinost nito sa kanyang social media account.

 

Bukod pa rito, mayroon na ring 7-foot-5 na wingspan ang dating UAAP Juniors MVP.

 

“Height 7’3. Wingspan 7’5. Continue to watch me work,” ani Sotto sa kanyang post sa Twitter.

 

Malaki ang posibilidad na madagdagan pa ito sa mga susunod na taon lalo pa’t 18-anyos pa lamang ang dating Ateneo de Manila High School standout.

 

Kasalukuyang nagsasanay ang Ignite sa Walnut Creek, California para paghandaan ang pagbubukas ng NBA G League season sa susunod na buwan sa isang bubble setup sa Orlando, Florida.

 

Puspusan ang paghahanda ni Sotto para sa G League dahil ito ang magsisilbing tungtungan nito sa kanyang pangarap na makapasok sa NBA.

Other News
  • Ads July 13, 2021

  • Viernes kinarir coaching job maski may Covid-19

    AMINADO si ex-pro at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) star Jeff Alvin Viernes ng Batangas City Athletics na kagaya ng karamihan, mahirap din ang kinalalagyannang ma-lockdown  mag-isa sa Malaysia sa panahon ng Coronavirus Disease 2019.   Itinigil noong Marso ang 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 dahil sa pandemya kaya nagsadya muna ang 31-taong-gulang, may 5-8 […]

  • Matapos umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off: SB19, muling nag-perform sa American morning show na ‘Good Day New York’

    INIHAYAG ng SB19 ang kanilang pasasalamat at pagiging proud sa kanilang fandom na A’TIN na umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off.     Sa kanilang IG Live, inilahad ng SB19 members na sina Justin, Pablo, Stell, Ken at Josh ang pasasalamat nila sa A’TIN.     “Maraming maraming salamat! You guys are amazing,” sabi […]