Viernes kinarir coaching job maski may Covid-19
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
AMINADO si ex-pro at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) star Jeff Alvin Viernes ng Batangas City Athletics na kagaya ng karamihan, mahirap din ang kinalalagyannang ma-lockdown mag-isa sa Malaysia sa panahon ng Coronavirus Disease 2019.
Itinigil noong Marso ang 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 dahil sa pandemya kaya nagsadya muna ang 31-taong-gulang, may 5-8 ang taas na guard para ayudahan ang basketball team niyang kinabibilangan din doong NS Matrix.
“Nung first two months ko sa lockdown dahil sa pandemic nga, sobrang hirap kasi mag-isa lang ako sa tinitirahan ko sa Malaysia,” pag-amin ng basketbolistang produkto ng St. Clare College-Manila at tubong Isabela.“’Yung kasama ko kasi, assistant coach umuwi.”
Pero sa halip na maapektuha, ginamit na lang niya na lang ang mga bakanteng oras upang diskartehan ang pag-angat pa ng kanyang team.
“So nu’ng nag-start yung pandemic, mentally nag-concentrate ako sa playmaking. Parang nag-aral ako mga coaching strategy.”
Mahgpit pa rin aniya sa Muslim country sa mga health protocol kahit nanumbalik ang normal na pamumuhay.
Ilan naman sa mga natamo na niyang karangalan ang mga sumusunod:
9th National Athletics Association of Schools, Colleges and Universities, NAASCU Rookie of the Year 2009 (UM), 3xNAASCU champions 2010, 2011, 2012 (2xUM, SCC-M), 2xNAASCU MVP 2011, 2012 (UM);
Philippine Commercial Basketball League Foundation Cup Champion 2015 (Jumbo Plastic Linoleum),
PCBL Foundation Cup MVP 2015 (JPL), PCBL Chairman’s Cup Champion 2016 (JPL), PCBL Chairman’s Cup Finals MVP, Mythical 5 & Defensive Player of the Conference 2016 (JPL);
8th Philippine Basketball Association Devlopmental League (PBADL), Foundation Cup Conference MVP;
2017-18 (Che’Lu Bar & Grill), 1st Maharlika Pilipinas Basketball League Rajah Cup champion 2018 (BCA),
1st MPBL All Star Game Champion 2019 (South), 1st MMPBL All Star Game MVP 2019 (South), 2nd MPBL All Star Game champion 2020 (South) , at 2nd MPBL All-Star Game MVP 2020 (South). (REC)
-
PBBM, biyaheng Japan sa kalagitnaan ng Pebrero
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na byaheng Japan siya sa pangalawang linggo ng Pebrero para sa state visit. “I think the tentative date is around the second week of February, right now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam. Aniya, kaagad niyang tinanggap ang imbitasyon na bumisita sa Japan nang […]
-
HVI tiklo sa P120K Marijuana sa Valenzuela
ISANG tulak ng illegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Carlo Mendoza […]
-
11.2 milyong Filipino, fully vaccinated na- Galvez
PUMALO na sa 11.2 milyong Filipino ang bilang ng fully vaccinated “as of August 8,” limang buwan matapos na simulan ng pamahalaan ang vaccination program noong Marso 2021. “Almost 13 million have taken their first dose while 11.2 million Filipinos are now fully vaccinated, representing 15.88% of the targeted eligible population… and also 10.13% […]