Patay na si Efren ‘Bata’ Reyes, ‘fake news’
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
Nag-react ang pamilya ng Pinoy billiard champion na si Efren “Bata” Reyes sa mga lumabas sa social media na pumanaw na ito kamakailan.
Ayon sa anak ni Bata na si Chelo Reyes, “fake news” umano ang naturang impormasyon dahil maayos ang kalagayan ng kanyang ama.
Bilang patunay, nag-post pa ito ng video, kung saan nanonood ng basketball game sa kanilang bahay ang tinaguriang “The Magician.”
Nakangiti pang sumigaw si Bata na okay lang daw siya.
Si Reyes ay huling lumabas sa billiard event noong 2019 SEA Games, kung saan nag-uwi siya ng bronze medal.
-
Sotto nabalewala career-high
NAWALANG halaga career-high 21 points ni Kai Zachary Sotto sa pagtaob ng Adelaide 36ers laban sa Brisbane Bullets, 93-85, sa pagpapatuloy Lunes (Abril 11) ng gabi ng 44th Australia’s National Basketball League 2022 regular round sa Adelaide Entertainment Center. Dumausdos ang Pinoy reinforcement at kampo sa 7-17 win-loss slate upang mapirmi pa rin […]
-
4 patay, 3 sugatan
Apat ang patay, kabilang ang dalawang pulis ng Quezon City Police District (QCPD), isang agent at isang civilian informant ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), habang tatlo pa ang sugatan sa naganap na ‘misencounter’ ng dalawang ahensiya kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Ayon kay National Capital Region Office chief, Maj. Gen. Vicente […]
-
Ads May 20, 2023