4 patay, 3 sugatan
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
Apat ang patay, kabilang ang dalawang pulis ng Quezon City Police District (QCPD), isang agent at isang civilian informant ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), habang tatlo pa ang sugatan sa naganap na ‘misencounter’ ng dalawang ahensiya kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ayon kay National Capital Region Office chief, Maj. Gen. Vicente Danao Jr. nakakalungkot na nagkaroon ng misencounter na ang layunin ay sugpuin ang bentahan ng illegal drugs sa bansa.
Lumilitaw na alas-5:45 ng hapon nang maganap ang ‘armed encounter’ sa pagitan ng mga tauhan ng District Special Operations Unit ng QCPD at PDEA sa parking lot ng isang fastfood chain sa Commonwealth Ave.
Sinabi ni Danao na walang ideya ang PNP na ang kanilang katransaksiyon ay PDEA agents.
“Kung sino ‘yung nag buy-bust, sino yung ka buy-bust, ‘yun pa yung iniimbestigahan natin, ” ani Danao .
Kapwa nagsasabi ang dalawang ahensya na kumpleto ang kanilang mga koordinasyon pero nangyari pa rin ang shootout.
Papasok rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) para mabigyang-linaw ang mga pangyayari.
Hindi umano maaapektuhan ang imbestigasyon ng NBI sa ginagawa ring imbestigasyon ng PDEA at PNP.
Nakilala ang dalawang nasawing pulis na sina PCpl Lauro de Guzman at PCpl Galvin Eric Garado, kapwa nakatalaga sa District Special Operations Group (DSOU) ng Quezon City Police District (QCPD) habang hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng ikatlong namatay na isang PDEA agent.
Alas-5:45 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa parking area ng isang kilalang fastfood chain, sa tabi ng mall na matatagpuan sa Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan Hills.
Samantala, sinisilip ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na posibleng ang mga drug syndicate ang sumabotahe at kumilos kaya nagkaroon ng misencounter ang grupo ng Quezon City police at ng una. Ayon kay PDEA director Wilkins Villanueva na bagama’t hindi pa sila makapagbibigay ng impormasyon dahil sa patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon na kanilang isinasagawa, tinitignan nila ang anggulo nang pananabotahe, napaglaruan ng sindikato o pwede rin naman na kapabayaan kaya naganap ang barilan.
Kaugnay nito, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa nangyaring barilan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nalungkot ang Pangulo matapos malaman ang nangyari at nangako na magkakaroon nang “masinsinang” imbestigasyon.
Kapwa rin nagpahayag ang Senado at Kamara na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon sa nangyaring barilan na sinasabing ‘misincounter’ sa pagitan ng dalawang law enforcement unit. (Daris Jose)
-
Panukalang pagpapakita ng booster card bago makapasok sa mga establisyemento sa MM mahirap gawin
SA KASALUKUYAN ay mahirap gawin ang isinusulong ni Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion na gawin na ding requirement ang pagkakaroon ng booster card sa NCR. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni infectious disease specialist Dr Edcel Salvana na malayo pa ang bansa sa senaryong marami na ang nakatanggap ng booster shot. […]
-
RIHANNA, idineklara na ‘National Hero’ ng kanyang hometown na Bridgetown, Barbados
IDINEKLARA na isang National Hero ang singer-actress-businesswoman na si Rihanna o Robyn Rihanna Fenty in real life sa kanyang hometown sa Bridgetown, Barbados. Iginawad ang honour kay Rihanna noong November 30 by Prime Minister Mia Mottley kasabay ng pag-celebrate nang pagiging republic ng Barbados after 396 years sa ilalim ng British monarchy. […]
-
Kasado at mas maganda sana ang repertoire: SHARON, nagsalita na sa pagkakaudlot ng second concert nila ni GABBY
NAGSALITA na si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa hindi pagkakatuloy ng muling pagsasama nila ng dating asawa na si Gabby Concpecion after ng matagumpay nilang Dear Heart concert noong October 2023. Hindi naman kaila sa lahat na nagkaroon na naman ng hidwaan ang dalawa at balita ngang hindi na naman sila nag-uusap. […]