• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lady Gaga at Jennifer Lopez, special guests sa inauguration nina US Pres. Joe Biden at Vice Pres. Kamala Harris

SINA Lady Gaga at Jennifer Lopez ang dalawa sa magiging panauhin sa inauguration ng bagong US President Joe Biden at US Vice President Kamala Harris ngayong January 20.

 

Magaganap ang sworn in nila Biden at Harris sa West Front ng US Capitol.

 

Si Lady Gaga ang aawit ng national anthem samantalang si J.Lo ay mag-perform ng isang musical number.

 

Star-studded ang naturang event with Tom Hanks na magiging host ng 90-minute primetime TV special celebrating Biden’s inauguration. Ibang performers ay sina Justin Timberlake, Jon Bon Jovi, Demi Lovato at Ant Clemons.

 

Four years ago, umiwas ang maraming celebrities sa inauguration ni President Donald Trump. Ngayon ay nagbu-volunteer pa ang iba na mag-perform sa inauguration ni Biden.

 

“When Democrats win you get the more standard celebrities. With Republicans you tend to get country music stars and race-car drivers,” ayon sa isang White House source.

 

Pero limited daw ang audience sa naturang inauguration due to the pandemic. Naging mahigpit din ang security dahil sa nangyaring riot sa Capitol.

 

Magiging virtual naman ang traditional quadrennial ball after the inauguration. Pero star-studded pa rin ito with Jason Alexander, David Arquette, Matt Bomer, Christopher Jackson, Ted Danson, Lea DeLaria, Keegan Michael-Key, Chrissy Metz, Mandy Patinkin and many others attending the event virtually mula sa kanilang mga tahanan. Ide-deliver ang handa ng ball sa kanilang address.

 

***

 

LAST Monday, January 18 nagsimula nang ipalabas ang fresh episodes ng GMA Primetime drama series na Love of My Life pagkatapos ng tatlong linggong recap.

 

Matatapos na ang lock-in taping ng buong cast at kabilang ang veteran actress na si Coney Reyes sa mami-miss ang naging samahan nila sa teleserye.

 

Sey ni Ms. Coney, hindi niya nakakalimutan ang pagganap niya bilang Isabella Gonzales.

 

“I miss the camaraderie we had on the set and the unselfish sharing of food, makeup tips, kwentos, and the laughter. 

 

“Kakaiba ang bonding naming lahat dito sa show na ito lalo na dahil sa pag-iingat namin at pag-aalala para sa bawat isa. 

 

“Of course, I will also miss playing the role of the strong-willed but loving, caring, generous Isabella Gonzales.”

 

***

 

NAG-CELEBRATE sina Meryll Soriano at Joem Bascon ng 1st month ng kanilang baby noong nakaraang January 17.

 

Pinost ni Meryll sa Instagram ang photo ng kanilang baby katabi ang cake nito at may caption na “Hep, Hep… Hurray!”

 

Kasama rin ang pamilya ni Joem sa naturang celebration. Sa isa pang IG post, karga ng ina ni Joem ang apo nito at nandoon din ang ama at dalawang kapatid ni Joem.

 

“Family is everything,” caption ni Meryll sa naturang post.

 

New Year’s Day 2021 nang i-reveal ni Meryll na sinilang niya ang baby nila ni Joem. January 2020 nang magkabalikan sila after nilang mag-break noong 2009. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • DOTr, nilinaw na hindi privatization kundi concession agreement ang gagawin ng pamahalaan sa NAIA

    CONCESSION agreement at hindi privatization ang planong gawin ng gobyerno sa bagong management contract ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     Ito ang nilinaw ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang plano ang pamahalaan na isapribado ang nasabing paliparan.     Pagbibigay […]

  • ‘Quota system’ ng PNP, puwedeng gamiting ebidensiya sa ICC probe

    NANINIWALA si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ang sinabing ‘quota’ system ng PNP ni 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita sa kampanya kontra droga para mapalakas ang kaso sa International Criminal Court (ICC).     Ang ‘quota’ system ay ang pagkakaroon ng minimum na bilang ng drug busts kada […]

  • Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Sec. Sitoy na pumanaw na

    NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, mahal sa buhay at mga kasama ni Secretary Adelino Sitoy of the Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na pumanaw na sa edad na 85.   Para sa Malakanyang, nakatulong si Sitoy sa pakakapasa sa mga mahahalagang legislative reform measures ng Duterte administration.   Bilang pinuno ng PLLO, tinitiyak […]