Reyes tutumbok sa Enero 23
- Published on January 20, 2021
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN ni Efren ‘Bata’ Reyes at kanyang pamilya na ipatimbog sa mga awtoridad para kasuhan ang nagpakalat ng fake news sa social media nitong Sabado na patay na ang alamat ng bilyar.
Nakatakdang sumargo pa ang 66-anyos na, may taas na 5-9 cue artist kapareha si Ronato ‘Ronnie’ Alcano upang kalabanin ang kumpareng si Francisco ‘Django’ Bustamante na tatambal kay Carlo Biado sa Sharks 10-Ball Showdown, isang race-to-25 Scotch doubles sa buwang ito.
Tutumbok ang kompetisyon na ieere sa Sharks FaceBook page simula sa alas-3:00 nang hapon sa darating na Sabado, Enero 23. (REC)
-
WHO naniniwalang mayroon ng bakuna laban sa COVID-19 sa katapusan ng taon
NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na posible sa katapusan ng taon ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na maraming mga bansa na ang nag-uunahan na na gumawa na ng bakuna. Mayroon na kasing siyam na experimental vaccines sa ilalim ng WHO-led COVAX global vaccine […]
-
Takbuhan sa mga kalsada malabo pang makabalik
Extended pa ang General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region (NCR) Plus kasama ang Laguna at Cavite sa ilalim ng ‘heightened restrictions’ hanggang Hulyo 15. Base iyan sa huling pahayag ng Malacañang Palace. Nangangahulugan din itong malabo pa rin talagang makabalik ang road racing o mga patakbo sa mga […]
-
DENR SECRETARY KAKASUHAN NG MGA MAGSASAKA!
MAHIGIT sa 30 taong napagkaitan ng mga lupa ang may 1,000 magsasaka sa Palawan dahil sa paghahari ng pamilya ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ay maghahain na ng kaso sa Office of the Ombudsman ang mga bumubuo ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK). […]