New normal, maaari nang ikasa – Malakanyang
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na ang mga lugar na wala ng Covid-19 transmission ay maaari nang isailalim sa “new normal” kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng new normal areas sa bansa.
Aniya pa, bumabalangkas na ang task force ng guidelines para sa new normal.
“It has been approved in principle po talaga na magkakaroon ng deklarasyon talaga ng new normal areas. Pero ang binubuo lang po ngayon ay ‘yung mga ‘Dos and Don’ts’ sa new normal,” ayon kay Sec. Roque.
“Kasi baka magkaroon ng new normal, bigla silang magkaroon ng rock concert. Iyon po ang lilinawin natin, iyong mga dos and don’ts sa mga new normal areas,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, mayorya ng lugar sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), itinuturing na “most lenient quarantine classification” at susunod na phase bago ang new normal.
Dahil dito, nagpatupad ang pamahalaan ng lockdown sa buong Luzon noong kalagitnaan ng Marso ng nakaraang taon at unti-unting binubuksan ang ekonomiya matapos tamaan ng pandemiya na dala ng Covid-19.
Ang mga itinuturing naman na high-risk areas ay isinailalim sa itinuturing na “most stringent Enhanced Community Quarantine (ECQ) at the modified ECQ, habang ang moderate-risk areas naman ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ) o modified GCQ.
Sa kasalukuyan, ang Metro Manila, mga lalawigan ng Davao del Norte, Batangas, Isabela, Lanao del Sur at limang siyudad gaya ng Santiago, Iloilo, Tacloban, Iligan, at Davao ay nasa ilalim ng GCQ hanggang Enero 30.
Ang natitirang lugar sa bansa ay nasa ilalim naman ng MGCQ.
-
Dahil sa magandang cover ng Singaporean magazine: LIZA, pinuri ng Filipino-Canadian actress na si SHAY MITCHELL
HINDI na raw masyadong nagulat si Carmina Villarroel sa pag-amin nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa nararamdaman nila sa isa’t isa. Noon pa raw ramdam ni Mina na importante si Kyline sa buhay ng kanyang anak na si Mavy, kaya naman suportado raw niya ang happiness ng dalawang batang ito. […]
-
POLO, magiging daddy na rin dahil buntis ang kanyang fiancee na si PAULYN
IDAGDAG pa si Polo Ravales sa magiging daddy sa taong ito dahil buntis na ang fiancee nitong si Paulyn Quiza. Sa kanyang Facebook account, pinost ng former teen star ang ultrasound ng kanilang baby. Masayang-masaya si Polo dahil natupad na ang matagal na nilang hinihiling ni Paulyn. “Thank You Lord for […]
-
Grateful sa mga nagawa ng aktres: VICE GANDA, iniyahag na magsasama sila ni GLADYS sa movie ni Direk JUN
SA 20th wedding anniversary celebration nina Gladys Reyes at mister nitong si Christopher Roxas kamakailan inihayag ni Vice Ganda na magsasama sila ng matalik niyang kaibigang aktres sa isang pelikula sa ilalim ng direktor na si Jun Lana. Lahad ni Vice, “Meron akong project with Direk Jun. Saktung-sakto kasi Jun Lana baby siya. “Sabi ko, ‘Sabihin […]