• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KAPISTAHAN NG STO. NIÑO SA MAYNILA, NAGING MATAGUMPAY AT MAPAYAPA

SA kabuuan,  naging mapayapa ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan bunsod na rin sa maagang paghahanda ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso katuwang ang buong kapulisan ng Manila Police District (MPD).

 

Pinasalamatan naman ni Domagoso ang publiko partikular na ang mga deboto ng Sto. Niño dahil sa pagkakaroon nila ng kusang disiplina at pagsunod sa ipinapatupad na minimum health protocols dahil na rin ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

 

Bukod sa mga deboto, pinasalamatan din ng Alkalde ang buong MPD sa pamumuno ni District Director P/Brig. Gen. Leo Francisco dahil sa agaran nilang paghahanda ilang araw bago pa man ipagdiwang ang nasabing Kapistahan.

 

Pinaigting ni Gen. Francisco ang “police visibility” sa mga lugar na sakop ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño partikular na sa Tondo at Pandacan kung saan mahigpit nilang ipinatupad ang mga umiiral na batas at kautusan ng Alkalde tulad ng pagsusuot ng facemask, liquor ban, at pagsunod sa health protocols tulad ng physical distancing.

 

Ipinatupad din ng MPD ang “zero vendor” at “zero obstruction” sa paligid ng simbahan sa Tondo at Pandacan kaya’t naging maayos, maaliwalas at maluwag ito para sa mga deboto na nagsimba at nakiisa sa Pista ng Sto. Niño.

 

Batay naman sa datos ng MPD, umabot lamang sa kabuuang bilang na 26 ang lumabag sa ipinapatupad na liquor ban sa Tondo at Pandacan nitong nagdaang kapistahan(GENE ADSUARA)

Other News
  • Vendor na bagong laya, itinumba

    TODAS ang isang 54-anyos na vendor na kalalabas lamang umano kamakailan sa kulungan matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa labas ng kanyang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.   Kaagad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktima na nakilalang si Rogelio Esguerra, binata, ng 7041 Maligaya […]

  • Angelo Nicolas Almendras, NU Bulldogs lumapit sa walis-titulo

    UMANGAS si Angelo Nicolas ‘Nico’ Almendras upang akbayan ang National University sa 25-19, 25-21, 25-19 panalo kontra University of Santo Tomas sa Game 1 best-of-three finals ng 14th V-League 2022 Men’s Collegiate Challenge Linggo ng hapon sa Paco Arena sa Maynila.   Tumikada si Almendras ng 13 points kasama ang 14 excellent receptions para isampa […]

  • Presyo ng bilihin, pinangangambahanag tataas matapos ang bagyo

    PINANGANGAMBAHANG tataas ang presyo ng bigas, gulay, manok, isda at iba pang produkto matapos tumama ang supertyphoon na si Egay (international name Doksuri) sa ,gaa sakahan at coastal areas partikular sa Central at Northern Luzon regions.     Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas secretary general Ronnie Manalo, mas lalong tataas ang presyo ng pagkain […]