• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sobrang taas ng presyo ng baboy, tinutugunan ng pamahalaan

KASALUKUYAN nang kumikilos ang gobyerno para tugunan ang sobrang taas ng presyo ng baboy.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaangkat na ang Department of Agriculture ng baboy na mula hindi lamang sa Visayas at Mindanao kundi pati na sa iba pang mga ASF-free areas ng Luzon.

Maliban dito aniya ay nag-i-import na rin ang DA ng baboy sa bansa na walang ASF habang tinataasan din ang volume ng pork imports.

” Sa lalong mabilis na panahon nag-aangkat po ang ating Department of Agriculture ng baboy galing po sa Visayas at Mindanao at iba pang mga ASF-free areas ng Luzon.Nagbebenta po sila ng baboy sa mga Kadiwa in partnership with hog raisers, sa federations, kagaya ng Propork. Nag-i-import po sila ng baboy ngayon sa bansa na ASF-free at tinataasan po iyong volume ng pork imports the MAV o minimum access volume,” ayon kay Sec. Roque.

Mayroon din aniyang ipinatutupad na Bantay ASF sa Barangay o ang BABay ASF na ang target ay mapigilan
ang ASF katuwang ang LGUs, private sector veterinary groups at mga hog raisers.

“Sa medium term po, pinapatupad po nila iyong Bantay ASF sa Barangay o iyong BABay ASF, at ito ay nagnanais na ma-prevent at makontrol ang ASF in partnership with the LGUs, private sector veterinary groups, hog raisers and traders. Iyong massive repopulation in ASF-free areas or green zones, iyong quick speedy indemnification doon sa mga may-ari ng baboy na napatay. Ngayon, mayroon ding provision para sa P30, 000 – zero interest, no collateral, 10 year to pay livelihood loans to displaced backyard hog farmers,” anito.

Sa ngayon ay umaabot na sa P400.00 kada kilo ng baboy na mas mahal pa sa presyo ng baka.

Samantala, para naman aniya sa gulay at sa mga prutas, ang agarang hakbang aniya ay pagpapatupad ng SRP – suggested retail price.

“intensify po natin ang vegetable and fruit production; expand Kadiwa ni Ani at Kita. Tapos magpapadala pa po ang mga rehiyon nang mas maraming gulay at prutas sa Metro Manila, sa NCR. I-expand po natin ang urban agriculture, iyong Gulayan sa Paaralan at Barangay. Nagdi-distribute na rin po nang mas maraming mga seeds at planting materials ‘no. Sa medium term po, magpapatayo po ng mga processing facilities at magbibigay po ng mga support vans, warehouses, cold storage,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Habang sa isda naman aniya ay mag-i-expand o magpapalawak aniya ang pamahalaan ng aquaculture lalo na sa tilapia at sa bangus.

Bukod dito ay magri-regulate ang gobyerno ng import at magkakaroon ng joint fishing of commercial at municipal fisherfolks. (Daris Jose)

Other News
  • Maroons amoy na ang UAAP crown

    NAITARAK  ng University of the Philippines ang gitgi­tang 81-74 overtime win laban sa defending champion Ateneo de Manila University upang makalapit sa inaasam na kampeonato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Rumatsada nang husto si Ricci Rivero nang humataw ng 19 points, 4 […]

  • Cardinal Advincula, ikinagalak ang mainit na pagtanggap ng religious communities

    Ikinagalak ng bagong talagang arsobispo ng Archdiocese of Manila ang mainit na pagtanggap ng religious communities.     Tiniyak ni Archbishop Jose Cardinal Advincula na bilang pastol ng arkidiyosesis sa mga relihiyoso at relihiyosa ang buong puso at tapat na paglilingkod sa pagpapalago ng bokasyon at pagpapastol sa kawan ng Panginoon.     “My role […]

  • Dumating naman ang panahon na nakapagpatawad: DINA, ‘di itinago na nagalit kay CONEY nang makarelasyon ni VIC

    SIX years old na ngayon si Malia, ang anak ng komedyana si Pokwang at ni Brian O Lee.   Sey pa ni Pokwang na hindi pa raw niya naipaliliwanag sa bunsong anak kung ano ang mga pinagdaanan nila ng Samang si Lee.   “Wala muna, pinalaki kong matatalino ‘yung mga anak ko, alam nila iyan. […]