DINA, humanga sa nadiskubre sa co-star na si JAY na isang mapagmahal na ama
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
HUMANGA ang aktres na si Dina Bonnevie sa nadiskubre niya sa co-star niyang si Jay Manalo sa lock-in taping nila ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.
Ibang-iba raw pala si Jay sa tunay na buhay kaysa ginagampanan niyang mga roles sa mga seryeng ginagawa niya.
“Nakita kong isa pala siyang butihin at mapagmahal na ama,” kuwento ni Dina.
“Malayo kasi ang lock-in taping namin na tumagal ng ilang linggo, pero si Jay hindi niya nakakalimutan na kumustahin ang kanyang mga anak.
“I thought he was exactly like the roles he plays, yung babaero, happy-go-lucky, but I was surprised that he’s such a cool father pala, he’s such a good dad. Every morning, habang nagmi-makeup ako, nandiyan si Jay sa right side, kumakain ng breakfast, kasi magkasunod iyong makeup schedule namin.
“Tapos doon nakikita ko nagbi-video siya with his son and daughter. Kinakausap niya, nagbi-video call sila tuwing umaga, then he dances while he’s talking to them. Nakakatuwang malaman na may ganitong side pala si Jay.”
Kasalukuyang napapanood ang recap ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, na malalaman kung bakit naging mortal na magka-away sina Susy (Dina) at Amy (Snooky Serna).
Panoorin ito sa GMA-7 at 8PM, pagkatapos ng 24 Oras. Magsisimula namang mapanood ang mga fresh episodes nila sa February 8.
***
MATAPOS mai-showing sa GMA-7, ang very successful at nag-trending sa number 1 sa Twitter na Alden’s Reality, A TV Special, handa na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pagbabalik ng musical singing contest na Centerstage na hinahanap nila ang mananalong Bida Kids.
Si Alden ang host nito with Betong Sumaya at mga judges naman sina International Stage Actress-Singer Aicelle Santos-Zambrano, musical director Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez.
Nakatakda itong ibalik sa February sa GMA-7. Sa February rin daw ang simula ng shooting nina Alden at Bea Alonzo ng A Moment to Remember na co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures.
***
MULING nagwagi si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ng dalawang parangal sa ginanap na 6th Wish Music Awards last Sunday, January 17.
Inuwi ng Kapuso singer and Wishlusive Contempoary R&B Performance of the Year para sa kanyang kantang “Nobela” at Wish R&B Song of the Year, ang “Better.”
Sa kanyang Twitter account, ipinahayag ni Julie ang labis na pasasalamat niya sa mga sumuporta sa kanya.
“Maraming salamat @wish1075 for the recognition! May you continue to spread love and inspiration to everyone. Mabuhay ang OPM!!!”
At sa kanyang mga fans and followers: “Thank you adiks, and to everyone who voted! And for trending too. Solid kayo! Much much love!”
Sa ngayon ay naghahanda na si Julie Anne sa pagsisimula ng lock-in taping nila sa upcoming GMA News
TV series na Heartful Cafe, na makakatambal niya for the first time si Kapuso actor David Licauco. (Nora V. Calderon)
-
Abogado ni Djokovic patuloy na ipinaglalaban ang health exemption visa nito
DESIDIDO ang mga abogado ng gobyerno ng Australia na pauwiin si Serbian tennis star Novak Djokovic. Ibinunyag pa din nila na hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine ang 34-anyos na Australian Open defending champion. Hindi rin tinanggap nila na kaya humingi ng medical exemptions ang abogado nito dahil umano mayroon siyang […]
-
PBBM inaprubahan ang boluntaryong face masks sa outdoor areas
EPEKTIBO na sa ngayon ang “optional” na paggamit ng face masks laban sa COVID-19 outdoors sa mga hindi siksikan na lugar, matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Lunes, sa […]
-
JOMARI, umaming si ABBY ang ‘lucky charm’ at maraming naiturong tama sa buhay niya
NATANONG si Jomari Yllana na muling tatakbo para sa ikatlong termino bilang Konsehal ng 1st District ng Paranaque, tungkol sa patuloy na pangmamaliit sa mga artistang gustong maging public servant. Kuwento ni Joms, “Bata pa lang ako naririnig ko na ‘yan, ‘artista lang ‘yan!’ Actually, noong panahon ng Guwapings pa lang, naaalala ko […]