• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gomez de Liano papahasa pa PBA D-League at UAAP

AYAW pang mag-propesyonal na basketbolista.

 

Maski veteran internationalist na sa paglalaro sa Gilas Pilipinas national men’s basketball team at maging standout dito, ayaw pang mag-pro ni Joaquin Javier ‘Javi’ Gomez de Liano.

 

Kaya hindi siya magpapalista sa Philippine Basketball Association (PBA) hanggang sa deadline nito sa Enero 27.

 

Ipinahayag niya kahapon na tutuparin niya pa ang commitment sa University of the Philippines (Diliman) Fighting Maroons kahit wala pang katiyakan ang 84th University Athletic Association of the Philipines (UAAP) 2021-22 men’s hoopfest dahil sa Covid-19.

 

Inamin ng 22-anyos at 6-5 ang taas na manlalaro, na labis din siyang nahirapan smagpasyang ‘di muna mag-PBA.

 

“It was honestly a hard decision because I was really thinking about it,” giit ni Gomes de Liano, na bukod sa collegiate league, maghahasa pa rin siya sa PBA Developmental League para sa kasalukuyang taon.

 

Nakatakda ang 36th PBA Rookie Draft 2021 sa Marso 14, habang ang 46th PBA 2021 Philippine Cup bubuksan sa Abril 9. (REC)

Other News
  • Dahil maraming umaasa at gustong matulungan: KAKAI, keber na kahit masabihan na mukhang pera

    SOBRANG saya ang pa-surprise bonding ni Ms. Rhea Anicoche-Tan kasama ang SPEEd officers and members last Friday, July 7, na kung saan nagpa-set up siya ng bonggang dinner na pang-presscon ang dami ng foods and desserts.     Hindi lang ‘yun at may set-up din ng pang-acoustic na puwedeng makipag-jamming. Kaya naman, isang tawag lang […]

  • 3 SA 105 BAGONG NAGPOSITIBO SA COVID SA NAVOTAS, NASAWI

    TATLO sa 105 mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Navotas ang nasawi kamakalwa, Hulyo 28, habang 77 pasyente naman ang gumaling, ayon kay Mayor Toby Tiangco.   Sa kabuuan ay 1,623 na ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa lungsod, 750 dito ang active cases, 783 ang gumaling na at 90 naman […]

  • Donasyon para sa binagyo, dumagsa sa Maynila

    Dumagsa ang libu-libong donasyon sa isinagawang ‘donation drive’ ni Manila City Mayor Isko Moreno para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.     Daan-daang sako ng bigas at mga donasyong pagkain ang dinala ng mga may mabubuting-loob na mamamayan sa repacking station sa P. Noval Street sa Maynila na dinagsa […]