QC nasa state of calamity
- Published on March 14, 2020
- by @peoplesbalita
ISINAILALIM na ang Quezon City sa State of Calamity sa kalagitnaan ng Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang public address, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na “it has to be done” para magamit ng siyudad ang quick response funds nito na makatutulong sa pagtugon sa health crisis.
“The president has himself declared a state of public emergency and this gives us enough basis to declare a state of calamity here in our city,” ani Belmonte.
“Sa laki at lawak ng lungsod kinakailangan po talaga ng suporta ng 142 barangays, if we are to successfully conquer this disease and if we are to successfully carry out our mandate,” ayon pa sa alkalde.
Sa ngayon ay mayroon ng 6 na kumpirmadong kaso sa Quezon City ayon sa kumpirmasyon ni Mayor Belmonte. Nasa 52 katao naman ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa DOH. (Daris Jose)
-
3 bebot timbog sa tangkang pagpuslit ng P27K sigarilyo
KALABOSO ang tatlong bebot kabilang ang isang cashier matapos umanong magsabwatan para magpuslit ng nasa P27,600 halaga ng sigarilyo sa isang tindahan sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga naaresto na sina Myka Veronica Louise Bautista, 26 ng Escanilla St., Brgy. Concepcion, Jacklyn Jose, […]
-
Kelot na tumangay sa bag ng ginang, arestado sa Valenzuela
ISINELDA ang isang lalaki matapos tangayin ang bag ng isang out-patient na babae sa isang diagnostic clinic sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni PLt Francisco Tannagan, Sub-Station-9 commander ang naarestong suspek bilang si Percival Carlos, 41 ng Balubaran, Brgy., Malinta ng lungsod na nangagarap sa kasong Theft. Ayon sa […]
-
Mga miyembro at pensioners na apektado ng lindol, maaaring mag-avail ng emergency loan mula sa GSIS
MAAARING mag-avail ng emergency loan ang mga miyembro ng state-run pension fund na Government Service Insurance System (GSIS) na apektado matapos tumama ang magnitude 7 earthquake sa Abra at naramdaman sa ilang bahagi ng Luzon kabilang sa Metro Manila. Ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso, titiyakin nila na ang mga […]