‘Sanitation’ sa ‘Athletes Village’
- Published on March 14, 2020
- by @peoplesbalita
MAKARAANG makumpleto ang 14-day quarantine sanhi ng COVID-19, para sa mga pasahero ng MV Diamond Princes, minabuti muna ng pamunuan ng New Clark City Athletes’ Village na isailalim ito sa paglilinis simula pa nitong Miyerkules, Marso 11.
Ang Athletes’ Village ay ang nagsilbing ‘quarantine area’ ng mga tinaguriang Person Under Investigation (PUI) matapos ang kanilang exposure sa pasahero na nagposotibo sa COVID. Ginamit itong quarters sa nakalipas na 30th SEA Games.
Mismong ang mga tauhan buhat sa Department of Health – Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang naglinis at silang nag disimpektibo ng nasaing lugar kung na ginamit ng kabuuang 445 repariates buhat sa nasabing cruise ship.
Lahat ng kuwarto sa naturang gusali ay sinigurong malinis at walang mikrobyo na na naiwan upang maiwasan ang pagsalin ng virus sa iba, upang masgurong ligtas ang mga nakatira malapit sa nasabing lugar.
“We would like to assure everyone, especially those residing in the adjacent communities of New Clark City, that the Athletes’ Village has been thoroughly sanitized by the DOH,” pahayag naman ni BCDA President and CEO Vince Dizon.
Ayon naman sa DOH, ang mga kuwarto na ginamit ng dalawang crew member na nagpositibo sa COVID-19 ay agad na nilinisan nang maigi at kasama na ang pag-disinfect dito, matapos na mailipat sa ospital ang mga naturang bitima.
Katulad ng Metro Manila, nasa ilaim din ng lockdown ang New Clark City upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa ibang karatig pook.
“New Clark City will remain on lockdown in accordance with the government’s directive to the public to refrain from visiting public places,” ayon pa kay Dizon.
Ang kalinisan ay para sa kaligtasan ng bawat bayan at mamamayan.
-
Fajardo utay-utay lang muna sa pagpapraktis
HINDI nakakaramdam ng sakit si Philippine Basketball Association star June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa kanyang shin injury, pero ayaw pa niyang tumodo sa mga ensayo. May palugit pa naman siya upang makondisyon bago buksan ang 46th PBA Philippine Cup 2021 bago matapos ang kasalukuyang buwan o unang linggo ng Hulyo. […]
-
GCash nagbabala laban sa gambling apps na ginagamit sa phishing
ILANG gambling sites at apps na ginamit para sa account takeovers sa pagdami ng phishing scams kamakailan ang natuklasan sa isinagawang imbestigasyon ng National Privacy Commission (NPC) at ng nangungunang mobile wallet GCash. Dagdag pa, ilang influencers ang maaaring hindi sinasadyang isinulong ang mga gaming apps na ito na hindi batid ang fraudulent […]
-
One-seat-apart ipapatupad sa mga PUVs
PINAGUTOS ng Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang madaliang pagpapatupad ng one-seat-apart rule upang mapadami ang kasalukuyang capacity sa mga public utility vehicles (PUVs). Kanya rin pinagutos ang pagkakaron ng mas maraming PUV routes at units upang maging operational at upang madaliin ang pagpapatupad ng service contracting ng mga buses at jeepneys […]