P2-M ecstasy, naharang sa NAIA; Kukuha ng parcel, timbog
- Published on March 13, 2020
- by @peoplesbalita
NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang parcel na naglalaman ng halos P2 milyong halaga ng ecstasy pills sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Pawang mga galing sa Leusden, Netherlnds ang mga parcel na idineklarang “bags of candy”.
Sa isinagawang ekasaminasyon natuklasan na ang ang 4 na clear plastic sealed ay naglalaman ng hinihinalang ecstasy tablets na nakalagay naman sa caramel candy bags.
Sa laboratory results na isinagawa ng PDEA, lumabas na positibo na ecstasy ang laman ng nasabing mga parcel. Kinilala ang suspek na si Kim Fuentes mula sa Makati City na naaresto habang kini-claim nito ang parcel.
Itinurn-over na sa PDEA ang consignee at ecstasy para sa inquest proceedings para sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na may kaugnayan sa pagbabawal sa pag-import, Goods Liable for Seizure and Importation at Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA)
-
Luke 1:28
Hail, full of grace.
-
Sen. Hontiveros: Masterminds sa likod ng ‘pastillas’ scheme, nakapagbulsa ng halos P40-B
AABOT umano ng halos P40 billion ang naibulsa ng mga taong nasa likod ng kontrobersiyal na “pastillas” scheme sa Bureau of Immigration (BI) at pag-abuso sa Visa Upon Arrival (VUA) system simula noong 2017. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, tinatayang limpak limpak na salapi ang nakurakot ng mga opisyal ng BI base sa arrival […]
-
PBBM, pinayagan ang adopsyon ng hybrid rice para palakasin ang pag-ani ng pananim
PINAYAGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-adopt sa hybrid rice bilang “better alternative” sa inbred variety para itaas ang crop production. Ito’y makaraang makipagulong si Pangulong Marcos sa SL Agritech Corporation (SLAC), kung saan ang tumayong kinatawan ay si SLAC chairman at chief executive officer (CEO) Henry Lim Bon Liong, at […]