• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Hontiveros: Masterminds sa likod ng ‘pastillas’ scheme, nakapagbulsa ng halos P40-B

AABOT umano ng halos P40 billion ang naibulsa ng mga taong nasa likod ng kontrobersiyal na “pastillas” scheme sa Bureau of Immigration (BI) at pag-abuso sa Visa Upon Arrival (VUA) system simula noong 2017.

 

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, tinatayang limpak limpak na salapi ang nakurakot ng mga opisyal ng BI base sa arrival data ng non-VUA Chinese nationals sa bansa.

 

Kwestyonable aniya ang karamihan sa VUA transactions, kung saan ang bayad na nakabalot sa papel upang magmukhang local delicacy ng bansa ay dumidirekta sa main office na siya namang nag- aaprove sa mga visa.

 

Matapos naman ma-cite in contempt noong huling pagdinig na ginawa noong Oktubre 6, humarap na sa Senado sina dating BI officials Maynardo Mariñas at anak nitong si Marc.

 

Binigyan sila ng pagkakataon upang linawin ang kanilang naging papel sa naturang ahensya at sa tiwaling gawain.

 

Itinalaga ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre bilang pinuno ng magkaibang division ang mag- ama noong Hulyo 2016.

 

Taong 2017 naman nang ilabas ni Aguirre ang Department Order No. 41 na nagbibigay pahintulot sa mga Chinese nationals na pumunta ng bansa kahit wala pa silang visa mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

 

Una nang nabanggit sa mga nagdaang pagdinig na ang VUA ay pinoproseso ng mga travel agencies. Karamihan sa mga ito ay kailangan lamang magpadala ng litrato ng passport ng aplikante at i-send ito sa pamamagitan ng isang messag- ing application. (Daris Jose)

Other News
  • DERRICK, naghintay ng magandang timing at nanggulat sa underwear pictorial

    NOON pa hiling ng mga beki na gawing endorser ng Bench Body underwear si Derrick Monasterio dahil sayang daw yung ganda ng katawan nito kung ang ini-endorse niya ay t-shirt, jacket at jeans.     Naunahan pa raw si Derrick nina Paul Salas at Gil Cuerva na mag-underwear sa pictorial eh mas maganda raw ang katawan niya. […]

  • Tiis-tiis lang po tayo sa mga haybol

    MARAMI na naman sa atin ang mainiip mula sa may dalawang linggong moderate enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at sa Region IV-A at B o Calabarson at Mimaropa.   Isa sa paraan ito ng ating gobyerno para masupil ang coronavirus disease o COVID-19 pandemic na marami nang kinitil na buhay at hinawahan.   […]

  • Gun ban violators sa BSKE, pumalo na sa higit 1,600

    TINATAYANG  nasa 1,615 gun ban violator na ang nadakip ng Philippine  National Police (PNP) simula nang ito ay  ipatupad kasabay ng isasagawang  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.     Kampanya ito ng PNP upang masiguro na maa­yos at payapa ang barangay eleksyon ngayong taon.     Lumilitaw sa datos na inilabas ni […]