• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga negosyo pautangin para makabayad ng 13th month pay

UPANG hindi naman mag-Paskong tuyo ang pamil-ya ng mga empleyado, iminungkahi ni 2ndDistrict Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan na pautangin ang mga kumpanyang pinadapa ng COVID- 19 pandemic upang maibigay ang inaasahang 13th month pay.

 

Ito’y sa gitna na rin ng pahayag ng maraming mga kumpanya na mahihirapan silang maibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado dahil bago pa lamang silang bumabawi matapos ang malaking pagkalugi ng kanilang mga negosyo.

 

Sinabi ni Salceda na sa pamamagitan ng pautang na mababang tubo at higit na mahabang panahon ng pagbabayad ay hindi mabubulilyaso ang 13th month pay ng mga empleyado lalo na at tradisyon na itong matanggap kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko.

 

Ang panukala ni Salceda ay nakapaloob sa ‘aide memoire’ na isinumite niya sa pamunuan ng Kamara, matapos mapabalitang pinag- aaralan na ngayon ng Department of Labor (DOLE) na hayaan ang ilang kumpanya na huwag magbayad ng naturang obligasyong sa mga manggagawa.

 

“Hindi kami naniniwalang makakabuti ito sa ekonomiya. Kahit ikinakatwiran ng DOLE na hinahayaan ito sa ‘implementing rules and regulations’ ng PD 851, naniniwala kaming lilikha ito ng kontrobersiyang legal at ‘constitutional’ dahil taliwas ito sa isinasaad ng batas,” katwiran ni Salceda.

Other News
  • Kelot na nagwala habang may bitbit na baril sa Valenzuela, timbog

    BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki nang damputin ng pulisya matapos maghasik ng takot makaraang magwala habang may bitbit na baril sa Valenzuela City.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591 o ang Comprehensive Frirearms and Ammunation Regulation Act ang naarestong suspek na si alyas “Aries”, 25, at […]

  • DOE, nanawagan nang mabilis na rollout ng electric vehicles

    NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels.     “The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang […]

  • Nasunugan sa Tondo, binisita ni Isko

    BINISITA ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang halos 2,000 pamilyang nasunugan sa evacuation center.     Partikular na pinuntahan ng dating alkalde ang General Vicente Lim Elementary School kung saan isa-isang kinumusta ang kalagayan ng bawat pamilyang nawalan ng tirahan.     Ayon kay Domagoso, batid niya ang hirap ng pinagdadaanan ng mga […]