COVID-19 death toll worldwide nasa 4,300 na – reports
- Published on March 12, 2020
- by @peoplesbalita
NADAGDAGAN pa sa kabuuang 4,300 ang death toll sa ilang panig ng mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa bagong data (as of March 11), mula kaninang umaga nasa 26 ang nadagdag sa mga namatay kung saan 22 sa mga ito ay mula sa mainland China.
Pinaka-marami ang iniulat mula sa Italya na nasa 168 na nagmula naman sa loob ng 24 oras.
Samantala, patuloy din naman ang paglobo pa ng bilang ng mga infected ng virus sa buong mundo magmula noong buwan ng Disyembre na umabot na sa 119,235.
Pero sa nabanggit na bilang halos kalahati na rin ang gumaling na umaabot sa 66,577.
Sa kabuuang bilang ng mga kaso na nagpositibo nasa 42,611 o 88 percent sa mga nahawa ay nasa mild condition, habang naitala naman sa 5,747 o 12 percent ang mga nasa seryoso o nasa critical condition.
Lumalabas din sa data na 6 percent ang namatay mula sa mahigit 119,000. (Daris Jose)
-
A MOMENT OF INSPIRED INSANITY LEADS TO ONE TRUE LOVE IN A PRE-VALENTINE DATE MOVIE ‘MARRY ME’
JENNIFER Lopez and Owen Wilson star in a pre-Valentine date movie Marry Me, a fresh and relevant romance for this modern age – 21st century Roman Holiday meets Notting Hill. In Marry Me, we meet Kat Valdez (Lopez), half of the sexiest celebrity power couple on Earth with hot new music supernova Bastian […]
-
Walang basehan ang mga tirada at akusasyon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte kay PBBM
ITO ang pahayag ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe sa mga tirada at akusasyon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte labrtean kay Presidente Bongbong Marcos. Giit nito, ang pag-atake ay pagpapakita lamang kung gaano umano kadesperado ni Duterte para mailayo ang atensiyon mula sa isinasagawang imbestigasyon sa alegasyon na crimes against humanity […]
-
Ads July 20, 2023