PBA NADUWAG, LUGI VS COVID-19
- Published on March 12, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI na rin nakaiwas ang Philippine Basketball Association (PBA) sa COVID-19.
Mula sa orihinal na plano na magsagawa ng ‘close door’ game, ipinahayag ni PBA Commissioner Willy Marcial, matapos ang pakikipagpulong sa mga miyembro ng Board, na ipagpaliban ang mga laro sa Philippine Cup, gayundin ang liga sa D-League at 3×3 basketball.
Kabilang sa mga ipinagpalibang mga laro ang nakatakdang doubleheader sa pagitan ng NorthPort at NLEX at Tnt Katropa at Phoenix kagabi (Miyerkoles) sa Araneta Coliseum.
Hindi na rin matutuloy ang unang out of town game ngayong season tampok ang Barangay Ginebra at Blackwater na idaraos sana sa Sabado sa Balanga, Bataan.
Magpapatuloy ang suspensyon “until further notice,” sabi pa ng pamunuan ng PBA.
Pag-aaralan at titingnan ng liga ang sitwasyon sa araw-araw base na rin sa itinakdang mga parameters ng Department of Health (DOH) at ng World Health Organization (WHO).
Ginagawa nila ito ayon sa pamunuan ng liga dahil responsibilidad nila na siguruhin ang kaligtasan at kalusugan ng mga fans, players, teams, officials at staffs ng liga.
“Considering the present situation surrounding COVID-19 and the Presidential declaration of Public Health Emergency, it is our paramount duty and responsibility to ensure the health and safety of our fans, players, teams, officials and staff,” saad sa pahayag.
Kaugnay nito, inaasahan na ng PBA na milyon ang mawawala sa kanila sa bawat kanselasyon ng laro dahil sa outbreak.
“Milyon ang talo ‘don kada araw,” saad ni Marcial. “Hindi na namin tinitingnan kung ano impact, kung schedule o pera. Ang iniintindi muna natin yung kalagayan nating lahat.”
Ilan sa panggagalingan ng lugi sa PBA ay ang pagre-reserve ng mga venue, tulad ng Smart Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena at Cuneta Astrodome sa Pasay.
Sunod ay ang mga mawawalang gate receipt, ngunit ang pinakalamaki umano ay ang advertising at sponsorship contract na mako-compromise sa pagsuspende ng mga laro.
“May commitment kasi kami sa mga ibang sponsors namin. May commitment kaming certain game days at kailangan namin mabigay yun. Sabi nila, ‘Ba’t di natin gawin yung best-of-five, maging best-of-three?’” saad pa ni Marcial.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PBA na makakakuha ng refund ang mga fans na bumili ng tickets para manood sana ng laro.
Ayon kay Commissioner Marcial, ibabalik ang bayad sa mga ticket na binili para dapat sa mga laro sa Metro Manila hanggang Marso 15.
Hinimok naman ni Marcial ang mga nakabili na ng ticket para sa laban ng Barangay Ginebra at Blackwater sa Balanga, Bataan sa Marso 14 na huwag munang magpa-refund.
Maari pa raw kasing magamit ang mga ticket sa itatakda nilang bagong petsa ng nasabing PBA game.
Paliwanag pa ng opisyal, bagama’t aminado sila na malaki ang epekto ng postponement sa usaping pinansyal, mas iniisip daw nila ang kapakanan ng mas nakararaming indibidwal na sumusuporta sa liga.
-
Roderick Paulate ‘guilty’ sa graft, falsification of documents kaugnay ng ghost employees
HINATULANG nagkasala ng Seventh Division ng Sandiganbayan ang aktor at dating konsehal ng Quezon City na si Roderick Paulate sa graft at eight counts ng falsification of public documents kaugnay ng pagkuha ng “ghost employees” noong 2010. Sinentensyahan ang komedyante ng hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa kasong graft at hanggang anim na […]
-
Magkikita na lang sila sa korte: CRISTY, nagbigay na ng pahayag sa kasong isinampa ni BEA
KAHAPON nang tanghali, ika-3 ng Mayo, sinagot na ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang programang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM, ang isinampang reklamo sa kanila ni Bea Alonzo na cyber libel. Wala pa raw siyang natatanggap na subpoena kaya hindi niya alam kung ano ang nilalaman […]
-
Ilang mga Senador, planong taasan ang 2025 budget ng OVP
Pinaplano ng ilang mga Senador na dagdagan pa ang budget ng Office of the Vice President (OVP). Batay sa unang inaprubahan ng House of Representatives, nasa P733 million ang magiging budget sana ng OVP para sa 2025. Gayunpaman, sinabi ni Senator Joel Villanueva na tinitignan nila ang posibilidad ng pagtaas sa naturang budget. […]