• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parking boy, binayaran ng saksak

SAKSAK sa katawan ang ibinayad ng isang balasubas na lalaki sa parking attendant na kanyang inutangan matapos siyang singilin ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Arjay Cablaida, 19 ng 113 Brgy. Tanong para magamot ang malalim na saksak mula sa suspek na nakilala lamang sa alyas “Aries”, walang hanapbuhay at residente ng Bagong Silangan St. Brgy. San Jose, Navotas City na hinahanting na ngayon ng pulisya.

 

Sa ulat na ipinadala ni P/MSgt. Julius Mabasa kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, dakong ala-1 ng madaling araw nang dumating ang suspek sa Estrella Street, Brgy. Tañong kung saan nagta-trabaho bilang parking attendant ang biktima.

 

Tinawag ni Aries ang biktima at sa pag-aakalang babayaran na siya ng suspek sa halagang P50.00 lumapit siya at tinanong kung babayaran na ang hiniram na salapi.

 

Nagalit umano ang suspek na posibleng napahiya sa mga nakarinig sa ginawang paniningil ng biktima kaya’t kaagad na nagbasag ng bote at inundayan ng saksak sa tiyan si Cablaida.

 

Sa kabila ng tama ng saksak, nakatakbo pa sa malapit na barangay hall si Cablaida upang humingi ng tulong na nagbunsod sa suspek na tumakas patungo sa hindi nabatid na direksiyon. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagdating sa bansa nang mahigit 3M doses ng Moderna Covid-19 vaccines, pinangunahan ni Pangulong Duterte

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsalubong sa pagdating nang mahigit sa 3 milyong doses ng Moderna Covid-19 vaccines na dinonate ng gobyerno ng Estados Unidos sa Villamor Air Base,Pasay City.   Sa maikling mensahe ng Pangulo ay pinasalamatan nito ang Amerika dahil sa kabutihang-loob na ibahagi ang Covid-19 assistance sa Pilipinas.   “I […]

  • SHARON, nag-negative sa COVID test habang nag-positive si Sen. KIKO; buong pamilya naka-isolate na

    SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta na may nakalagay na ‘Make Today Happy’ sa photocard, ipinaalam niya na negative siya sa COVID test habang nag-positive nga si Sen. Kiko Pangilinan.     Caption niya, “somehow. Last night, I tested negative on my Antigen. Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all […]

  • Team LeBron dinurog ang Team Durant

    Tumipa si Milwaukee Bucks star forward Giannis Anteto­kounmpo ng perpektong 16-of-16 fieldgoal shoo­ting patungo sa kanyang game-high 35 points para pamunuan ang 170-150 pagdomina ng Team L­eBron sa Team Durant sa ika-70 NBA All-Star Game kahapon dito sa halos bakanteng State Farm.     “It’s fun. I was happy, my teammates had fun, and just […]