• July 8, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Team LeBron dinurog ang Team Durant

Tumipa si Milwaukee Bucks star forward Giannis Anteto­kounmpo ng perpektong 16-of-16 fieldgoal shoo­ting patungo sa kanyang game-high 35 points para pamunuan ang 170-150 pagdomina ng Team L­eBron sa Team Durant sa ika-70 NBA All-Star Game kahapon dito sa halos bakanteng State Farm.

 

 

“It’s fun. I was happy, my teammates had fun, and just being around great players, they’re just easy to play with,” ani Anteto­kounmpo na hinirang na NBA All-Star Game Most Valuable Player.

 

 

Nagdagdag si Portland Trail Blazers scorer Damian Lillard ng 32 markers at may 28 points si Golden State Warriors guard Stephen Curry tampok ang kanyang walong three-pointers.

 

 

May 4 points naman si LeBron James ng Los Angeles Lakers para sa kanyang sariling koponan.

 

 

Pinamunuan ni NBA leading scorer Bradley Beal ng Washington Wizards ang Team Durant sa kanyang 26 points.

 

 

Hindi naglaro si Kevin Durant ng Brooklyn Nets dahil sa kanyang hamstring injury.

 

 

Samantala, ang pinakahuling money ball shot ni Golden State Warriors star Curry ang nagbi­gay sa kanya ng ikalawang three-point title.

 

 

Inungusan ni Curry si Utah Jazz guard Mike Conley, 28-27, sa final round ng Three-Point Shootout para angkinin ang ikalawa niyang korona matapos noong 2015.

 

 

Nag-donate ang Team LeBron ng higit sa $1 mil­yon sa Thurgood Marshall College Fund habang nag­bigay ang Team Durant ng $500,000 sa United Negro College Fund.