• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-lockdown sa Maynila dahil sa COVID-19, premature-DoH

PREMATURE pa kung ituring ng Department of Health (DoH) kung kailangan nang i-lockdown ang Maynila matapos na mapaulat na di umano’y mayroon nang sampung bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kabuuan ay 20 katao na ang tinamaan ng virus.

 

Sa Laging Handa briefings a New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III ay sinabi nito na kabilang sa protocol ang pag-lockdown sa Maynila.

 

Subalit, iyon nga lamang ay premature pa kung gagawin na kaagad ito ngayon ng pamahalaan.

 

Makabubuting maghintay muna hanggang ang mga ebidensiya na mayroong community transmission at ito ang magiging dahilan para isailalim sa community lockdown o community quarantine na isa sa mga intervention na sumasalamin sa kanilang protocol para sa kanilang four-door responsed strategy.

 

Mayroon ding opsyon na isuspinde ang klase at trabaho, at siguraduhing mayroong pagdating sa paghahanda sa panig ng apektadong rehiyon, LGUs at uniformed personnel ng military at PNP para tulungan at local chief executives, local health officials sa apektadong komunidad.

 

“These are some of the options being considered but it might be premature at this point,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang banda, kailangan naman aniyang igalang ang desisyon ng local chief executive para suspendihin ang klase at iyon ay kailangang sundin.

 

Samantala, walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para magsuspinde ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ngayon. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, wala ring magiging pagbabago sa mga nakatakdang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pagdami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

 

Hinikayat naman nito ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang mga kapwa mga employers at manggagawa na magkaroon ng bukas na komunikasyon at kasunduan para sa alternatibong paraan ng pagtatrabaho.
Ito anila ay upang maiwasan o mabawasan ang panganib ng mga manggagawa na malantad sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Biden mariing kinondena ang Russian invasion

    NAG-ANUNSIYO na si Russian President Vladimir Putin ng military operation sa Donbas region ng Ukraine.     Hinikayat ni Putin ang mga sundalo sa may eastern Ukraine na magbaba na ng kanilang mga armas at umatras na.     Ang Donbas region ay nandoon ang dalawang teritoryo na unang nagdeklara ng independence na Luhansk at […]

  • Sultan Kudarat ‘buhay na pruweba’ ng ‘Unity at Work’ – PBBM

    PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang provincial government at mga residente ng Sultan Kudarat para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan sa pamamagitan ng ‘unified efforts.’     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng financial assistance sa mga magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya sa Sultan Kudarat Sports and […]

  • PBA prayoridad ang kaligtasan ng lahat

    WALANG balak ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na isugal ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials matuloy lamang ang PBA Season 46 Governors’ Cup.     Naghihinayang si Marcial dahil maganda na sana ang takbo ng liga noong nakaraang taon.     Maliban sa tuluy-tuloy na mga laro, nabigyan na ng pagkakataon […]