Takot sa COVID-19: Panagbenga 2020, tuluyan nang kinansela
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
TULUYAN nang kinansela ang Panagbenga flower festival sa siyudad ng Baguio sa gitna ng takot sa COVID-19, ayon sa anunsyo ni Mayor Benjamin Magalong kahapon (Lunes).
Ani Magalong, ito ang nagpadesisyunan ng Baguio City Interagency Task Force on COVID-19, kasunod ng rekomendasyon na ginawa ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. Suspendido na rin ang lahat ng operasyon ng night market nito na epektibo ngayong araw (Marso 10) hanggang sa susunod na 14 araw.
Kakanselahin na rin ang lahat ng pagtitipong bahagi ng taunang selebrasyon kabilang ang Grand Street Parade na naka-reschedule sa Marso 28, Grand Float Parade sa Marso 29, at Session Road in Bloom na nakatakda mula Marso 30 hanggang Abril 5.
Inisyal na naka-iskedyul ang opening parade nito noong Pebrero 1, ngunit ipinagpaliban ito ng mga lokal na opisyal bilang precautionary measure.
Sinabi naman ni Department of Health Regional Director Amelita Pangilinan na inilagay na sa “code red” ang bansa matapos kumpirmahin ng mga awtoridad ang local transmissions sa Metro Manila. Nakapagtala ng apat na kaso ang Pilipinas nitong Linggo ng gabi, dalawa sa mga ito ang walang travel history sa labas ng bansa.
Nananatili pa ring ‘COVID-19-free’ ang rehiyon hanggang kahapon (Lunes).
Sinuspinde na rin ang Cordillera Administrative Region Athletic Association Meet na orihinal na naka-iskedyul mula Pebrero 1 hanggang 23, ayon kay Magalong.
Samantala, ititigil muna sa ngayon ang pagsasara ng Session Road para sa mga art events at cultural gatherings.
-
DILG, hiniling sa Facebook na alisin ang illegal e-sabong accounts
NANAWAGAN ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Facebook na alisin ang ilang pages, grupo at accounts na di umano’y nanghihikayat sa mga Filipino na mag- online cockfighting o “e-sabong”. Lumiham kasi si DILG undersecretary Jonathan Malaya sa social media giant na humihiling na i-block ang ilang Facebook pages at accounts […]
-
ELIJAH at ADRIANNA, waging Best Actor and Actress sa 2021 Central Boys Love Awards ng Brazil; TONY, ‘Hottie of the Year’
BIG winners sa Brazil’s 2021 Central Boys Love Awards ang mga Pinoy BL series. Gameboys, ang first Pinoy Boys’ Love series ay nagwagi ng apat na awards: Actor of the Year (Elijah Canlas), Actress of the Year (Adrianna So), Couple of the Year (Cairo and Gavreel) and Cast of the Year. Meanwhile, Gaya […]
-
Gilas Pilipinas nananatili sa ranked 34 sa FIBA World Ranking
Napanatili ng Gilas Pilipinas ang kanilang pang-34 na puwesto sa FIBA World Ranking. Inilabas ng FIBA ang world rankings matapos ang matagumpay na panalo ng Gilas sa New Zealand 93-89 ganun din sa Hong Kong sa score na 93-54. Dahil sa nasabing panalo ay tiyak na ang pagpasok nila sa FIBA […]