• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ELIJAH at ADRIANNA, waging Best Actor and Actress sa 2021 Central Boys Love Awards ng Brazil; TONY, ‘Hottie of the Year’

BIG winners sa Brazil’s 2021 Central Boys Love Awards ang mga Pinoy BL series.         

 

Gameboys, ang first Pinoy Boys’ Love series ay nagwagi ng apat na awards: Actor of the Year (Elijah Canlas), Actress of the Year (Adrianna So), Couple of the Year (Cairo and Gavreel) and Cast of the Year.

 

Meanwhile, Gaya Sa Pelikula took home three awards, which are the Best Onscreen Kiss Award (Karl and Vlad), Revelation of the Year (Ian Pangilinan) and Surprise of the Year.

 

Wagi naman si Tony Labrusca ng Hottie of the Year for Hello Stranger. BL of the Year went to Thailand’s own I Told Sunsets About You.   

 

Hiningi naman ang reaction ni Direk Perci Intalan sa latest achievement ng Gameboys and ito ang sagot niya:

 

“We’re so thrilled to see the world recognize how good our performers, storytellers and stories can be! That we’re playing in the same field now as other countries who started in BL earlier means a lot. Congratulations to all the winners and of course, I am personally overjoyed for Elijah, Kokoy, Adrianna and the cast of Gameboys!”                                 

 

Ano naman kaya ang reaction ni Tony Labrusca sa kanyang victory bilang Hottie of the Year? Ano rin kaya ang reaction niya sa video nila ni JC Alcantara na magka-holding hands na lumabas sa Twitter?                            Anyway, marami na ang nag-aabang sa Season 2 ng Gameboys matapos lumabas ang teaser ng programa sa FB page ng The IdeaFirst Company.

 

Siyempre wait din ang Gameboys fanatics sa movie version ng kanilang paboritong BL series.

 

 

***

 

HINDI namin napanood ang world premiere ng Anak ng Macho Dancer kaya hindi kami makasagot sa mga nagtatanong sa amin kung maganda ba ang pelikula.

 

Of course, nababasa namin ang mga comments ng ibang nakapanood na pinupuri ang pelikula at ang performances nina Sean de Guzman at Ricky Gumera. Generally ay maganda naman ang comments ng ibang nakapanood.

 

Mahusay daw ang performance nina Sean at Ricky. Well, good for them. Sana may ibang acting projects pang dumating sa kanilang dalawa.

 

Mayroon din naman akong nabasang comment na hindi naibigan ang pelikula. Well, ganyan talaga. Any movie is subject to criticism.    Sabi nga nila, good or bad publicity is still publicity. Pero naalala ko ang sagot ng isang premyadong aktres kung naniniwala ba siya na bad publicity is still publicity?

 

“Bad publicity is bad publicity. It leaves a bad taste in the mouth,” sagot ng aktres.

 

Pero pwede mo naman gamitin ang bad publicity to your advantage. Kung may natanggap kang bad comment, use it to assess your product and improve on it sa susunod mong pelikula.

 

Ang hinaharap ngayon ni Joed Serrano, ang top honcho ng Godfather Productions, ay ang paghahabol sa mga taong nag-pirate ng movie at pinagkakitaan pa ang Anak ng Macho Dancer through their unscrupulous means.          Nangako si Joed na hindi niya titigilan ang mga namirata ng pelikula hanggang walang napaparusahan sa mga ito.

 

On the other hand, nagkaroon man ng problem sa piracy, naging maingay naman ang pelikula. Pinag-uusapan ng mga tao ang Anak ng Macho Dancer. Mas lalong marami ang naging curious sa pelikula.

 

Damay sa curiosity ng mga tao ang lead star ng movie na si Sean, pati ang kanyang co-stars.   Will Sean and company succeed in their quest for showbiz glory? (RICKY CALDERON)

Other News
  • Nagbahagi ng mga pinagdaraanan sa pagbubuntis: KRIS, pinatulan ang netizen na nag-comment ng, ‘blessing yan, parang pinagsisihan mo?’

    MARAMING naloka at nag-react sa latest Instagram post ni Kris Bernal tungkol sa kanyang pagbubuntis.     Ipinost nga ng aktres ang isang video na kung saan twenty-six weeks na siyang nagdadalang-tao. Ipinakita niya ang lumalaking baby bump at nakasuot pa siya ng pink bikini.     Caption ni Kris, “Same fit but add another […]

  • PDU30, nagpalabas ng EO na magbibigay proteksyon para sa mga refugees sa Pilipinas

    NAGPALABAS si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng executive order na magi-institutionalize ng access sa protection services para sa mga refugees, stateless persons at asylum seekers.     Sinabi ni Pangulong Duterte na ang EO 163, na may petsang Pebrero 28 subalit ipinalabas lamang ngayong araw, Marso 2 ay alinsunod sa 1951 United Nations Convention Relating […]

  • Balik-tanaw sa 18th Asian Games 2018

    NAKOBERAN po ng inyong lingkod ang 18th Asian Games sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia noong Agosto 18-Setyembre 2, 2018.   Dalawa lang kami ni kasamang Manolo ‘Bong’ Pedralvez ng Malaya Business Insight na na-aasigned sa Palembang. Ang mga kasama namin sa Philippine media pool na sina Lorenzo Lomibao, Jr. ng Business […]