• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi ako ang PBA GOAT – “The Kraken”

PAHINGA na si June Mar Fajardo dahil sa injury sa halos buong 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020, pero nagmarka na siya sa nakalipas taon na maaaring mas mataas pa sa kanyang 6-foot-10 na tangkad.

 

Katotohanan ito nang pang-anim na sunod niyang Most Valuable Player award na tinanggap sa Leopoldo Prieto Awards 444h PBA Season 2019 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

Umupo electric single-seater tricycle ang San Miguel Beer slotman para hindi mabugbog ang kanang paa na nabali at sumailalim na sa operasyon nitong Enero.

 

At sa dami ng koleksiyon niyang MVP trophies, maaring sabinang nang siya na ang greatest of all time o GOAT ng propesyonal na.

 

“Hindi naman,” mahinang pero nakangiting tugon ng basketbolistang Cebuano. “Maraming mas magagaling. Kung ano lang ‘yung bigay ni God sa atin, thankful tayo du’n.”

 

Maaaring sa kalagitnaan na ng season-ending Governors Cup makabalik sa court si The Kraken.

 

All-smiles ang higanteng habang kinukuha ang award, kahit nanghihinayang na matetengga siya nang matagal.
“Baka may plano si God sa akin,” pahabol niya.

 

Kasama ni Fajardo ang mga magulang na sina Bonifacio at Maritess sa entablado sa record na limang MVP awards noong isang taon, na pinahaba pa niya sa tagpong ito.

 

“Who knows, ‘di ba?” anang 30-anyos na mainstay sa posibilidad na makapito pang MVP trophy.

 

“For sure, gusto kong makabalik soon kasi gusto kong makatulong sa team,” wakas ni Fajardo. “Pero sinasabi ng doctors, coaches, management na huwag ko madaliin. So, kontrol lang sa sarili.”

 

Sa award ay awtomatikong nasama si June Mar sa pang-anim na sunod din niya ring First Mythical Team selection sina Jayson Castro ng Talk ‘N Text, Christian Standhardinger at Sean Anthony ng NorthPort, at Christian Jaymar Perez ng Columbian Dyip.

 

Si Perez din ang tinanghal na Rookie of the Year.

 

Nasa All-Defensive Team din sina Fajardo at Perez kasama sina Beerman Christopher Ross, Anthony, at Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra San Miguel.

 

Swak sa Second Mythical Team sina Roger Ray Pogoy at Jeth Troy Rosario ng TNT, Stanley Pringle, Jr. kapwa Gin King Aguilar, at Ian Sangalang ng Magnolia Hotshots.

 

Itinaas ni Gabe Norwood ng Rain or Shine ang pangatlo niyang Avelino Lim, Jr. Sportsmanship award, Sii Moala Tautuaa ng SMB nakopo ang una niyang individual recognition bilang Most Improved Player.

 

At sa unang pagkakataon ay namigay ng ibang awards ang PBA. Team Staff si league pioneer ballboy Raffy Hanopol, PBA Loyal Employee si ticketing official Gerry Mesias, at Bida Fans sina Jhun ‘Sharon’ Nuestro at Tess Villanueva.

Other News
  • ‘Heartbeat’ ni Quiboloy na-detect sa underground bunker ng KOJC

      TIWALA ang Philippine National Police (PNP) na bilang na ang araw ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago sa underground bunker ng KOJC Compound matapos na ma-detect ang ‘heartbeat’ nito.       Ayon kay PNP Region XI spokesperson Catherine Dela Rey, na-detect ang heartbeat ni Quiboloy matapos na […]

  • Malakanyang, clueless kung kailan maaaring maibalik ang face to face classes

    CLUELESS ang Malakanyang kung kailan puwedeng ibalik ang face to face classses sa bansa.   Ito’y dahil sa hindi kasi kasama sa mga babakunahan ang mga menor de edad, 18 pababa.   Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mawawala naman ang transmission o hawahan sa adult population dahil mababakunahan na sila, mababawasan din ang […]

  • ‘Oppenheimer’ Will Likely Continue Nolan’s $1 Billion Box Office Trend

    Oppenheimer is unlike the previous works of Christopher Nolan, and yet, it will likely continue his $1 billion box office trend, but that’s not necessarily bad.   Christopher Nolan has become one of the most respected filmmakers of his generation thanks to his unique visual and narrative style and the themes he addresses in his […]