Hirit sa Kongreso na P2 bilyong pisong supplemental budget para sa DoH
- Published on March 9, 2020
- by @peoplesbalita
KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi naman ipagdaramot ng Kongreso ang hirit ng Department of Health na dalawang bilyong pisong supplemental budget para sa patuloy na pagtugon ng gobyerno sa banta ng COVID-19.
Nauna rito ay umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa liderato ng kongreso na aprubahan ang supplemental budget sa panahong ito na hindi pa rin natitigil ang pagkalat ng COVID-19 at mahigpit ang panga-ngailangang ma contain ang virus.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo na sa ganitong emergency situation at hindi naman talaga pangkaraniwan ang mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan para pigilan ang COVID- 19, hindi mag-aatubili ang mga mambabatas na aprubahan ang pagpasa ng hinihinging supplemental budget.
Kaya nga, naniniwala si Sec. Panelo na hindi na kailangan pang susugan ni Pangulong Duterte ang mga mambabatas para lamang ipasa ang hinihinging supplemental budget, dahil may kusa naman ang mga ito para sa mga dapat nilang gawin lalo na sa panahon ng emergency.
Sa kabilang dako, gaya ng nauna nang ginawang hakbang ng gobyerno sa mga Pilipinong sakay ng M/V Diamond Princess cruise ship, handa rin ang pamahalaan na ipatupad ang katulad na health safety protocol sa mahigit 500 Pilipinong sakay ng isa na namang cruise ship na hinold sa California dahil sa COVID- 19.
Ani Sec. Panelo na makabu-buting hintayin na muna ang development hinggil dito, dahil sa ngayon ay wala pa namang request para sila ma repatriate o mapabalik dito sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
GO DEEPER INTO THE FURTHER: TRAILER FOR INSIDIOUS: THE RED DOOR RELEASED
THE family’s darkest secrets will be unlocked. Watch the trailer for Insidious: The Red Door, the final chapter of the blockbuster horror franchise, exclusively in cinemas this July. Youtube: https://youtu.be/rIslMRneXlM About Insidious: The Red Door In Insidious: The Red Door, the horror franchise’s original cast returns for the final chapter of […]
-
Mga negosyo na pinayagang mag-operate sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ, inilatag ng DTI
HINDI papayagan ang dine-in option para sa restaurants, barbershops, salons, internet cafes at review centers sa susunod na 15 araw matapos na muling ibalik ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine. Ito ang binigyang diin ni Trade Secretary Ramon Lopez makaraang isailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte linggo ng gabi, Agosto 2 ang Metro […]
-
Sec. Roque, matapang na hinamon ng debate si VP Leni
MATAPANG na hinamon ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Vice-President Leni Robredo ng isang debate. Ang dahilan ni Sec Roque, isa rin kasi sa maingay si VP Leni sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). Sinabi kasi ni VP Leni na magkakaroon sana ng magandang diskurso sa publiko kung natuloy ang debate sa […]