• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Upakang Ancajas-Rodriguez, kasado na

WALA nang atrasan, tuloy ang laban.

 

Matapos magkaaberya ng dalawang beses ay atat nang sumuntok uli si Filipino world champion Jerwin Ancajas nang maplantsa na at muling ikasa ang bout nila ni Mexican fighter Jonathan Javier Rodriguez na gaganapin sa Las Vegas sa Abril 11.

 

Sa ngayon ay dibdiban ang pagpapalakas ng 28-anyos na Pinoy fighter upang upakan ang nang-aberyang si Rodriguez.

 

Nakansela kasi ang kanilang laban nang pumalya ang Mexicano na makapagpasa ng kanyang requirement para sa US Visa.

 

Nang maiskedyul uli ang girian sana nila noong Pebrero 22 ay muli na naman itong naudlot kaya ‘di na kawalan kay Jerwin kung papatulan pa niya si Rodriguez.

 

“Mahaba ‘yong paghahanda namin noong nakaraan at hindi natuloy. Ngayon tuloy na tuloy na,” pahayag ng coach ni Jerwin na si Joven Jimenez sa naunang report. “Nasa magandang kondisyon si Jerwin at tamang target sa training namin. Pa-peak na siya.”

 

Walong beses nang nadepensahan ni Jerwin ang kanyang IBF junior bantamweight belt.

Other News
  • JACKIE CHAN, kaaliw ang pagsi-shake dance at pagsasabi ng ‘Salamat Shopee!’

    NI-LAUNCH ng Shopee, ang leading e-commerce platform sa Southeast Asia at Taiwan, ang pinaka-exciting year-end shopping season na magsisimula sa signature 9.9 Super Shopping Day.     At bilang bahagi ng biggest and most action-packed shopping season, winelcome ng Shopee ang international superstar na si Jackie Chan, who will be featured in a range of […]

  • Most wanted person ng Pampanga, nabitag sa Valenzuela

    KALABOSO ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa Angeles, Pampanga matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Richard Floren, 36 ng Brgy. Viente Reales ng lungsod.     Sa kanyang […]

  • Abalos, wala pang naisusumiteng ‘short list’ ng mga posibleng maging susunod na hepe ng PNP kay PBBM

    INAMIN ni Department of Interior And Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na wala pa siyang naisusumiteng ‘short list’ ng posibleng maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).     Ito’y sa gitna ng nakatakda ng pagreretiro ni PNP Chief Dir Gen Benjamin Acorda sa March 31.     Sa press briefing […]