Most wanted person ng Pampanga, nabitag sa Valenzuela
- Published on December 24, 2022
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa Angeles, Pampanga matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Richard Floren, 36 ng Brgy. Viente Reales ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na ang akusado ay naaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista at Northern NCR Maritime Police Station, RMU-NCR sa Disiplina Village, Barangay Viente Reales dakong alas-3:10 ng hapon.
Ani Col. Destura, unang nakatanggap ng impormasyon ang WSS na naispatan ang presensya ng akusado sa nasabing lugar na naging dahilan upang agad magsagawa ng mahunt operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto kay Floren.
Si Floren ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 10, Angeles City, Pampanga, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Sec. 5(B) of R.A. 7610 – Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. (Richard Mesa)
-
DOH, todo paalala sa mga naninigarilyo na itigil ang kanilang bisyo para iwas panganib at sakit sa puso
TODO paalala ang Department of Health (DOH) sa mga naninigarilyo na huminto na o huwag subukang manigarilyo para sa mga non-smoker upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng mga sakit sa puso. Ayon kay Dr. Maria Rosario Sylvia Uy ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, ang paninigarilyo ay nauugnay sa mataas […]
-
LAHAT NG REKOMENDASYON, IKOKONSIDERA NG DOH
IKOKONSIDERA lahat ng Department of Health (DOH) ang mga rekomendasyon ng dating mga health secretaries, medical experts at nang Philippine Medical Association hinggil sa panawagan na ibaba na ng restriction sa Metro Manila. Pero sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, na kailangan ding maintindihan din ng ating mga kababayan at nang […]
-
MAG-ASAWA na BACKRIDING sa PRIVATELY USED MOTORCYCLE, PINAYAGAN NA
Pero mga safety experts hindi pabor sa paglagay ng metal barrier sa pagitan ng rider at angkas na pasahero. Magandang balita na sana para sa mga may family-use motorcycles dahil sa wakas ay pinayagan na ang angkasan ng mag-asawa – kung kasal o hindi ay dapat bang linawin sa guidelines. Pero may dagdag gastos […]