Bulacan, wagi sa Good Financial Housekeeping
- Published on March 7, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Humakot ng parangal ang Lalawigan ng Bulacan kasabay ng paggagawad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, 21 bayan at tatlong lungsod ng 2019 Good Financial Housekeeping ng Department of the Interior and Local Government.
Nagawa ng mga pumasang lokal na pamahalaan na tumalima sa Full Disclosure Policy o ang pagpapaskil ng dokumentong pinansyal sa tatlong hayag ng lugar at sa FDP Portal para sa CY 2018 all quarters at CY 2019 1st quarter posting period documents; at ang kanilang pinakabagong COA Audit Opinion ay Unqualified o Qualified para sa CY 2017 at 2018.
Binati naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang lahat ng tatlong lungsod at 21 bayan ng Bulacan para sa pagtalima at pagpasa sa pamantayan ng DILG at sinabi na ang pagiging bukas ang susi sa isang mabuting pamumuno.
“Ito pong pagiging bukas ng ating dokumento, lalo pa nga po at pinansyal ay dapat talagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan. Karapatan po ng ating mga mamamayan na malaman kung saan napupunta ang buwis na kanilang ibinabayad. Kaya naman po, tayong mga pinagkatiwalaan ay dapat na gugulin ang mga pondong ito sa tamang mga proyekto na mabebenipisyuhan ang ating mga kalalawigan,” anang gobernador.
Ayon sa Official List of Passers na inilabas ng DILG, 89 porsiyento o 1,522 sa 1,706 na sinuring lokal na pamahalaan ang pumasa sa batayan.
Ang Financial Housekeeping, kasama ng Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Protection at Tourism, Culture and the Arts, ang mga batayan sa paggagawad ng Seal of Good Local Governance sa mga lokal na pamahalaan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Terror group nasa likod ng attack plot vs Israelis, Westerners planong magtayo ng kampo sa Pinas-Año
KINUMPIRMA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakaabot na sa kanyang kaalaman ang plano ng Hamas, Middle East based Islamic group, na magtatag ng “foothold” o kampo sa bansa. Sa isang mensahe, sinabi ni Año ang rebelasyon ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa di umano’y […]
-
Sa gitna ng usapin sa WPS: PBBM, umaasa na tutulungan ng Czech ang Pinas para gawing modernisado ang AFP
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ng Czech Republic ang Pilipinas na gawing modernisado ang military nito sa gitna ng usapin sa West Philippine Sea (WPS). Ipinahayag ito ng Pangulo sa kanyang joint press conference kasama si Czech President Petr Pavel nang uriratin ukol sa ‘defense cooperation’ sa pagitan ng dalawang bansa. ”We […]
-
Travel ban sa Macau at HK, ‘partially lifted’ na
Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na partially lifted na ang travel ban ng pamahalaan sa Macau at Hong Kong. Ito ang inanunsyo ni Sec. Panelo sa matapos makausap si Health Sec. Francisco Duque III. Ayon kay Panelo, nagdesisyon ang Inter-agency Task Force na magpatupad na ng partial lifting matapos ang isinagawang pagpupulong […]