• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PARI SINUNTOK, IMPORT NG ADU KULONG

HAWAK na ngayon ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS) ang varsity player ng Adamson University matapos na itulak at manuntok ng isang pari sa loob ng gym ng eskuwelahan sa Ermita, Maynila.

 

Kinilala ang atleta na si Papi Sarr, 28 anyos, Cameron National, nanunuluyan sa Falcon Nest., Adamson University sa San Marcelino St., sa Ermnita.

 

Ayon kay P/Capt. Arnold Echalar, hepe ng MPD-GAIS, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Sarr at ng University Athletic Director Fr. Aldrin Suan kung saan kumukuha ng sports management ang star player.

 

Sa salaysay ng pari, kasalukuyan siyang nanonood ng tune-up ng laban ng AU at Perpetual University team nang dumating si Sarr.

 

Dito na umano iniabot ni Fr. Suan ang kanyang dismissal letter na labis naman ikinagalit ni Sarr.

 

Labis itong ikinagalit ng star player at nagawang suntukin sa dibdib ang pari saka kinuwelyuhan sabay sinabi sa harap ng maraming tao ang katagang: “who are you to do this to me?”

 

Dito na dumating ang kapatid ng dayuhan na si Abdul Asis Sarr kung saan sinigawan din ang pari.

 

Hanggang sa inawat na lamang ng ibang player ang magkapatid, saka nagsidatingan ang iba pang nakatalagang security guard na silang tumawag ng responde sa MPD-Ermita Police Station 5, saka ito itinurn over sa MPD-GAIS.
Si Sarr ang tumatayong import ng Adamson University. (Gene Adsuara)

Other News
  • Team ‘Pinas plantsado partisipasyon sa SEAG

    PLANTSADO na ang lahat para sa maayos na partisipasyon ng Team Philippines sa nalalapit na 32nd Southeast Asian Games na gagawin sa unang pagkakataon sa Cambodia sa Mayo 6-17, ayon kay Chief of Mission Chito Loyzaga.   “All preparations are in place. Aside sa malillit na problema lalo na mga technical handbook which is understandable […]

  • ILANG MGA INFORMAL SETTLER SA BINONDO, SINIMULAN NANG MAGKUSANG-LOOB NA GIBAIN ANG KANILANG BAHAY

    SINIMULAN nang gibain ng mga pamilyang iskwater ang kanilang tinutuluyang bahay na kanilang itinirik sa kahabaan ng Delpan street sa Binondo partikular na ang mga nasa center island nito ngayong araw.       Ayon kay Manila City Engineering Office head Engr. Armand Andres, ang mga pamilyang nagkusang-loob na gibain ang kanilang tinutuluyang bahay sa […]

  • Ads May 9, 2022