PH 3×3 may award sa PSA
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
May espesyal na parangal ang Philippine men’s 3×3 team na may ticket sa Olympics Qualifying Tournament sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Mangunguna sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon, 2019 Chooks-To-Go Fan Favorite awardee, sa koponan para sa okasyon na mga hatid ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia at Rain or Shine.
Buhat sa 59th sa simula ng 2019, sumampa ang Pinoy 3×3 sa top 20 para makakuha ng silya sa OQT sa Marso 18-22 sa Bengaluru, India.
Kabilan g sa Pool C ang Pinoy ballers kasama ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic sa 20-team qualifier na hinati naman sa four-group competition.
Isa lang ang PH 3×3 men’s team sa halos 200 atleta, personalidad at gurpo na nasa PSA honor roll list.
Una sa mga paparangalan ang 30th Southeast Asian Games overall champion Team Philippines, na tinanghal na Athlete of the Year.
Pararangalan din sa two-hour program sina world gymnastics champion Carlos Edriel Yulo (President’s award), PH team SEA Games Chef De Mission at PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez (Executive of the Year) at ang alamat na si Efren ‘Bata’ Reyes (Lifetime Achievement Award), at siya ring special guest of honor at speaker ng event. (REC)
-
Exciting match up ng magkapatid na Ravena sa Japan B.League usap-usapan pa rin
Hanggang ngayon trending pa rin sa mga Pinoy basketball fans ang makapigil hininga na matchups ng magkapatid na Keifer at Thirdy Ravena sa pagsisimula ng B.League sa Japan. Kung maalala parehas na may tig-isang panalo na ang San-En NeoPhoenix ni Thirday at Shiga Lakestars ni Keifer sa magkasunod na banggaan ng dalawang teams. […]
-
Marcial may binago sa health protocol
MAY ilang punto sa health protocol guidelines ang binago nitong Linggo ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial. Bago magwakas ang Agosto ang tinatayang pagbabalik na sa practice facilities ng players, sa non-contact conditioning muna ng ilang araw. Pagkaraan, muling susulat ang propesyonal na liga sa Inter-Agency Task Force (IATF) on […]
-
Miyembro ng criminal gang, tiklo sa entrapment ops sa Caloocan
LAGLAG sa selda ang isang miyembro ng ‘Dacallos Criminal’ gang na sangkot umano sa illegal na pagbebenta ng baril matapos matimbog ng pulisya sa entrapment operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa umano’y iligal na […]