Marcial may binago sa health protocol
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
MAY ilang punto sa health protocol guidelines ang binago nitong Linggo ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial.
Bago magwakas ang Agosto ang tinatayang pagbabalik na sa practice facilities ng players, sa non-contact conditioning muna ng ilang araw.
Pagkaraan, muling susulat ang propesyonal na liga sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease para hilingin na payagan na ang full scrimmages ng 12 PBA tems sa susunod sa Setyembre.
Pero mauuna muna rito ang swab testing sa bawat manlalaro ng mga koponan.
Mula sa tuwing 10 araw na tests, tulad ng unang ipinanukala ni Marcial, magiging kada dalawang linggo na ito
Maging ang showers inayos din.
Papahintulutan na ang players na mag-shower pagkatapos ng bawat practice session at laro bago umuwi sa kanilang mga tahanan.
Ang dating mungkahi ay lalabas pa dapat ng facility ang players pagkatapos ng session nila, diretso uwi na habang dini-disinfect ang gym bago papasukin ang susunod na batch na gagamit ng pasilidad. (REC)
-
Donaire may improvements na ginawa sa rematch nila ni Inoue
NANINIWALA si Filipino boxer Nonito Donaire Jr na mas marami na improvements ilang linggo bago ang muling paghaharap niya kay Naoya Inoue sa Hunyo. Nasa Japan na kasi ang ‘The Filipino Flash’ para sa paghahanda sa laban kay Inoue. Itinuring kasi na “Fight of the Year” ang laban nilang dalawa noong […]
-
Chicago sinapawan ang Brooklyn
Humugot si DeMar DeRozan ng 13 sa kanyang 29 points sa fourth quarter para tulungan ang Chicago Bulls na talunin ang Brooklyn Nets, 111-107, sa banggaan ng top teams sa Eastern Conference. Binuksan ng Bulls (16-8) ang fourth period ng13-4 atake at iniwanan ang Nets (16-7) sa 92-86 mula sa short jumper ni […]
-
Gilas Pilipinas natuldukan ang ’33-year reign’ matapos payukuin ng Indonesia
BIGONG madepensahan ng Gilas Pilipinas ang kanilang korona matapos masilat ng bansang Indonesia sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam. Natalo ang Gilas sa score na 85-81 sa larong isinagawa sa Thanh Trì District Sporting Hall. Dahil dito, natuldukan na ang streak ng bansa na 13-consecutive gold medals sa […]