• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COTY contenders, handa ng lumantad

NAKAHANDA na ang 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series second leg sa Lunes, Marso 9, sa Pasay City Cockpit.

 

Inihayag kahapon ni LGBA president Nick Crisostomo, na pagkaraan ng 7-bullstag derby sa Marso 9, 16 at 23, maaaring lumitaw na ang top 10 COTY contenders. Sisiyapol ang ikatlo at huling leg Encuentro 5-Bullstag Derby sa Abril 3 na mga itataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

 

Nakatrangko sa COTY sa 6.5 points sina LGBA founding members Jeffrey at Aylwyn Sy ng Jam SB Sagupaan Winning Line. Humihinga sa batok nila sa 6 markers sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Nelson Uy/Dong Chung ng HMG, lawyer Jun Caparroso ng Jungle Wild at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores na may dalawang manok.

 

Samantala, larga ang taunang Jerald Cup 4-Cock Derby sa PCC sa Biyernes, Marso 6.

 

Mangyaring alamin ang iba pang mga detalye kina Erica at Ace sa 0945 4917 474, 0939 4724 206, 8843 1746 at 8816 6750. (REC)

Other News
  • PSA magsisimulang mangolekta ng data sa Hulyo 15 para sa 2024 census

    NAKATAKDANG mag-deploy ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 70,000 enumerators sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mangolekta ng impormasyon kaugnay sa populasyon ng bansa at listahan ng mga benepisaryo ng ‘social protection initiatives.’ Sinabi ng PSA na ang enumeration period ay opisyal na magsisimula sa susunod na Lunes, Hulyo 15, 2024, matapos ipag-utos ni […]

  • Perez, Tautuaa puntirya Tokyo Olympic Games

    PANANATILIHIN ng Philippine Basketball Association sina San Miguel Beer stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa at pro league aspirants sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol bilang Gilas Pilipinas 3×3 national men’s team members.     Ito ay kahit na maging mga top virtual 36th PBA Draft 2021 aspirants sina Munzon at Pasaol, nabatid […]

  • Pagtataas ng PUV passenger capacity pinag-aaralan

    Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang gagawing malaking pagtataas ng porsiento para sa passenger capacity ng public utility vehicles (PUVs) dahil na rin sa pagkakaron ng maluwag na quarantine protocols na ngayon ay pinaiiral sa Metro Manila.       Sa kasalukuyan, ang passenger capacity ng mga PUVs ay may 50 na porsiento pa […]