• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 senador pabor sa extension ng ABS-CBN operation

SIYAM na senador ang naghain kamakalawa ng concurrent resolution na naglalayong payagan ng Kongreso na makapag-operate ang ABS-CBN habang tinatalakay pa ngayong 18th Congress ang renewal ng kanilang prangkisa na mapapaso na sa Mayo 4 ng taong ito.

 

Ang mga senador na kasama sa naghain ng Senate Concurrent Resolution 7 ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, at Sens. Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Nancy Binay, Sonny Angara, Grace Poe, at Manny Pacquiao.

 

Sa nasabing resolusyon, hiniling din sa National Telecommunications Commission (NTC) na mag-isyu ng provisional authority sa ABS-CBN Corporation habang dinidinig pa sa Kongreso ang kanilang prangkisa.

 

Sa paghahain ng resolusyon, ipinunto ng mga senador na ang pagsasara ng ABS-CBN ay magreresulta sa kawalan ng trabaho ng halos 11,000 mang-gagawa ng network.

 

“The removal of a market leader such as ABS-CBN would significantly impact not only on competition within the broadcasting industry, but also on the economy as a whole,” ayon sa resolusyon.

 

“In fact, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia was quoted as saying that the non-renewal of the franchise of ABS-CBN may affect investor confidence and get in the way of promoting diversity in the economy and fostering competition,” dagdag pa doon.

 

Kailangan din umanong magkaroon ng ‘intervention’ ang gobyerno para matiyak na makakapagpatuloy ang operasyon ng network habang nakabinbin ang deliberasyon sa franchise renewal nito sa Kongreso. (Daris Jose)

Other News
  • Sinisigurong magiging proud ang mga anak nila: DINGDONG at MARIAN, excited sa balik-tambalan sa family drama na ‘Rewind’

    TULUYAN na ngang ipinabatid sa buong mundo, sa pamamagitan ng isang Facebook live ang pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang ‘Rewind’ na co-produced ng Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures.     Ayon sa head ng ABS-CBN Film Productions Inc. na si Kriz Gazmen ang mahalagang milestone na naabot na ng […]

  • DALAGA TIMBOG SA P353K SHABU

    Balik-kulungan ang isang 21-anyos na dalaga matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Lyza Andrade, (watchlisted), dating naaresto noong July 29, 2019 at nakalaya noong August […]

  • Pinas, puntirya na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines

    MULA sa inisyal na target na 148 milyon ay puntirya na ngayon ng Pilipinas na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines.   Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na target na ng bansang bumili ng 158 million doses at tumanggap ng dagdag na 44 million doses mula sa Covax Global vaccine sharing […]