Eala may parangal sa PSA
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
KABILANG sa talaan ng mga young at promising athlete ng SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ang rising tennis star na si Alexandra Eala.
Pasok ang 14-anyos sa 10 atleta na kikilalanin bilang 2019 Tony Siddayao awardees sa nasabing pagtitipon sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Ipinagkakaloob ang parangal sa mga atletang may 17-taon at pababa na sinunod kay dating Manila Standard sports editor Antonio ‘Tony’ Siddayao na kinokonsiderang Dean ng Philippine sportswriting.
Naging malaking puntos sa tennis career ni Eala ang pagsungkit ng Top 10 world junior ranking bago matapos ang 2019, kaya kinonsidera itong Pinoy na atletang may malaking ambag sa Pilipinas.
Sinundan pa niya ito ng titulong grand slam matapos manalo sa Australian Open girls doubles tournament kasama ang partner na si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia nitong Enero 2020.
Kabilang din sa karangalan sina swimmers Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryant Dula, bowlers Dale Lazo at Jordan Dinam, karateka Juan Miguel Sebastian, chess Woman FIDE Master Antonella Racasa, powerlifter Jessa Mae Tabuan at nakakatandang kuya ni Alexandra na si Michael Eala.
Nakatanggap na rin dati ng katulad na parangal sina chess Grandmaster Wesley So, Eumie Kiefer Ravena, Felix Marcial, Jeron Teng, Markie Alcala, Pauline del Rosario, Aby Arevale, at Maurice Sacho Ilustre sa taunang pagtitipon ng mga sportswriter na pangungunahan ni Manila Bulletin Sports Editor Eriberto S. Talao Jr. at mga handog ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia at Rain or Shine. (REC)
-
MMDA, walang patid ang declogging operations sa mga kanal at estero
WALANG patid ang declogging operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kanal at estero bilang paghahanda ngayong tag-ulan. Bukod dito, nakatutok din ang MMDA sa 64 pumping stations na pawang gumagana naman lahat. tatlo nag bago rito. At para sigurado na walang mga damage ang mga pumping stations ay naglagay ang […]
-
Pangako nina PBBM, Vietnamese PM, palalawakin ang ugnayan sa agrikultura
KAPWA sinang-ayunan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh na palawakin ang kanilang kooperasyon pagdating sa usapin ng agrikultura. Sa idinaos na bilateral meeting sa Indonesia, kapuwa rin nangako ang dalawang bansa na palakasin ang kanilang partnership pagdating sa usapin ng kalakalan at pamumuhunan, turismo at maging sa […]
-
Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na
Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies. Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million. Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy. […]