• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAG-APIR, AUTOGRAPH NG NBA PLAYERS BAWAL MUNA

PINAYUHAN ng NBA ang mga player ng liga na iwasan muna ang pag-apir sa fans at pag-autograph sa mga item ng fans para sa kaligtasan ng bawat isa mula sa coronavirus outbreak.

 

Naglahad ng 10 rekomendasyon ang NBA para matiyak na ang kanilang manlalaro ay hindi mahahawa sa COVID-19 at kabilang dito ang pag-iwas na hawakan ang mga ballpen, markers, bola at jerseys mula sa mga nais magpa-autograph na kanilang ibinahagi sa mga team.

 

Ibinahagi rin ng NBA sa mga teams na komukonsulta ang mga ito “with infectious disease experts, including the Centers for Disease Control” at infectious disease researchers sa Columbia University sa New York.
Unang ni-report ng ESPN ang nilalaman ng memo.

 

“We are also in regular communication with each other, NBA teams including team physicians and athletic trainers, other professional sports leagues, and of course, many of you,” bahagi ng memo ng liga para sa mga team, sa kanilang physicians at athletic training staffs.

 

“The coronavirus remains a situation with the potential to change rapidly — the NBA and the Players Association will continue to work with leading experts and team physicians to provide up-to-date information and recommended practices that should be followed to prevent the spread of the coronavirus,” sabi pa sa memo.
Iminungkahi rin ng liga sa mga player na tiyakin na sila ay “are up to date with all routine vaccinations, including the flu vaccine.”

 

Ilan naman sa mga player katulad ni CJ McCollum ng Portland Trailblazers at Bobby Portis ng New York Knicks ay nagbigay paalala na rin para maiwasan ang virus.

 

Tiniyak din ng pamunuan ng NBA na may ugnayan ito sa Centers for Disease Control at sa infectious disease researchers sa Columbia University sa New York.

 

Ito ay para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manlalaro at staffs.

Other News
  • Tulak timbog sa buy bust sa Caloocan, P510K shabu, nasabat

    MAHIGIT kalahating milyong pisong  halaga nang hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Michael Labriaga, 34 ng Brgy. 175, ng lungsod.     […]

  • Inaabangang national costume ni RABIYA nairampa na, #AribaRabiya agad na nag-trending

    NAIRAMPA na ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang inaabangan na national costume niya para sa 2020 Miss Universe National Costume Show.     Parang mala-Victoria’s Secret Angel si Rabiya na effortless na nirampa ang mabigat na costume na inspired ng Philippine flag: blue color representing royalty, red for the courage and strength of an […]

  • Ukraine president Zelenskiy tinawagan ni Pope Francis; nagpaabot nang panalangin sa bansa – Vatican

    IPINAABOT ni Pope Francis kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang kanyang “most profound pain” sa dinaranas ngayon ng bansa, ayon sa Ukrainian Embassy sa Vatican.     Inanunsyo ng embahada ang pag-uusap na ito nina Pope Francis at Zelenskiy sa pamamagitan ng isang tweet.     Sa isang panayam, sinabi ng isa sa mga opisyal […]