• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP napagkalooban ng P3B halaga ng kagamitan

IPINAGKALOOB sa Philippine National Police ang nasa P3 bilyong kagamitan katulad ng helicopter, truck, armas at bomb equipment kahapon, Lunes.

 

Kabilang na rito ang dalawang single-engine turbine choppers na nagkakahalaga ng P225 milyon mula Airbus; 31 units ng troop carriers na nagkakahalaga ng P3.1 milyon;12 units ng pick-up vehicles na tinatayang nasa P1.6 milyon; at 501 units ng combat helmets na nasa P32 milyon.

 

Sinabi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na mayroong kabuuan na pitong helicopters kung saan lilipad ang tagdalawa sa Visayas at Mindanao.

 

“It has been the assurance of the committee of inspection and acceptance na dapat sumusunod sa parameters during acceptance process to see to it na may compliance sa standards,” tugon nito sa isang panayam.

 

Layon aniya na makakuha pa ng tatlong helikopter bago siya bumaba sa pwesto sa Oktubre.

 

Siniguro rin nito ang nasa 2,800 units ng body cameras oras na makumpleto ang pag-testing nito. (Daris Jose)

Other News
  • Pilipinas, nagdagdag pa ng 7 bansa sa red list dahil sa COVID-19 Omicron variant

    PITONG bansa pa ang idinagdag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa travel restrictions hanggang Disyembre 15 dahil sa umusbong na bagong COVID-19 variant Omicron.   Ang mga bansang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy ay idinagdag red list.   Nauna nang idinagdag sa red list ang mga South African nations kabilang […]

  • Matutupad na ang isa sa mga matagal na pangarap: ALDEN, sisimulan na ang movie na siya ang aktor, producer at direktor

    SI Zoren Legaspi ang sinalang ni Carmina Villarroel sa segment ng ‘Sarap, Di’ Ba?’ last Saturday na Hot Seat.       Tinanong si Zoren na kung may gagawing movie si Mina at siya ang direktor, sino ang kukunin niyang aktor bilang leading man na dating na-link kay Mina?       Habang binabasa nga […]

  • Mahigit kalahati sa mga adult nakaranas ng ‘di magandang pamumuhay – SWS survey

    Nasa mahigit kalahati ng adults sa Pilipinas ang nakaranas ng hindi magandang pamumuhay ngayong 2021.     Ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), mayroong 57% sa mga respondents ang nagsabing mas lalong lumala ang kanilang pamumuhay sa nagdaang 12 buwan.     Mayroon lamang 13% ang nagsabi na ang kanilang kalidad ng […]