• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jovita Espenida-Meneses, natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw

LUNGSOD NG MALOLOS- Bilang pagbibigay-pugay sa isang mahusay na mananayaw at guro na ginugol ang kanyang buhay sa pagpapayaman ng sining ng sayaw sa mga estudyanteng Bulakenyo, binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office si Jovita Espenida-Meneses, isang Natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw sa isang programa na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Sentrong Pangkultura sa lungsod na ito kahapon.

 

Kinatutuwaang tawagin ng kanyang mga estudyante bilang “Inang”, itinatag at pinamunuan ni Meneses, isang guro sa Bulacan State University, ang BulSU Lahing Kayumanggi (LKDT) na nagsilbing inspirasyon sa mga pangkat mananayaw hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.

 

Itinanghal ng ilang pangkat mananayaw sa lalawigan kabilang ang Bulacan Agricultural State College Liping Tagalog Folkloric Group, Hiyas ng Hagonoy Folkloric Group, Iba National High School Dance Troupe, Indak Guiguintenyo, Sining Bulakenyo, Sta. Cruz Elementary School Troupe, at BulSU LKDT ang kanilang pinakamagandang piyesa ng katutubong sayaw bilang pagbibigay parangal sa kanilang namayapang Inang.

 

Hinangaan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang husay ni Meneses sa pagsasayaw na hindi niya sinarili bagkus ay ibinahagi at ipinasa niya sa kanyang mga estudyante, na siya ding hiling ng gobernador para sa susunod pang henerasyon.

 

“Sa kanyang pagtatag ng BulSU Lahing Kayumanggi, nakalikha siya ng isang komunidad kung saan malayang nasasaliksik, napapaunlad at naipamamalas ang pagmamahal sa sining ng pagsasayaw ng mga kabataan. Sa mahabang panahon ng kanyang pagtuturo ay naihubog niya hindi lamang ang galaw at indak ng kanyang mga mag-aaral, lalong higit ay naitimo niya ang kanilang disiplina, pagpapahalaga at tiwala sa sarili,” anang gobernador.
Samantala, inalala ng unang pinsan ni Meneses na si Miriam Roxas-Kho kung paanong ayaw umalis ng kanyang pinsan sa Pilipinas kahit pa pinipilit siya ng kanyang pamilya dahil sa kanyang malalim na pagmamahal sa kanyang propesyon at sa mga kanyang estudyante sa pagsayaw.

 

“On behalf of our whole family, lubos po ang aming pasasalamat at kasiyahan ng aming mga puso sa inyong pagpapahalaga sa kanyang buhay, sa kanyang naitulong sa kultura ng sayaw. Ang buong pamilya po namin ay nagpapasalamat sa pagmamahal na pinapakita po ninyo sa kanya, sa tribute na ito. Hindi po namin ito makakalimutan,” ani Roxas-Kho. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Minimum wage hikes sa NCR at sa Western Visayas, aprubado na – DOLE

    INANUNSIYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan na sa National Capital Region (NCR) at Western Visayas wage boards ang adjustments sa minimum wages ng mga manggagawa.     Batay sa statement ng DOLE ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB-NCR) ay naglabas ng Wage Order No. NCR-23 nitong nakalipas na […]

  • NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na maglaan ng oras para magnilay-nilay at kumonekta sa pamilya at mahal sa buhay ngayong panahon ng Pasko.

    Ang panawagan ng Pangulo ay matapos pangunahan ang  tradisyonal na  Christmas tree lighting ceremony at awarding sa mga nanalo sa “Isang Bituin, Isang Mithiin”  nationwide parol -making contest sa Palasyo ng Malakanyang.  “We have gained the reputation around the world for celebrating Christmas with more fervor than most other countries, and I think that that […]

  • Snatcher timbog sa alerting enforcer at parak

    WALANG kawala ang isang umano’y notoryus na snatcher matapos masakote ng isang alertong pulis at traffic enforcer makaraang sikwatin ang gintong pulseras ng isang 65-anyos na lola sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.   Nahaharap sa kasong robbery snatching at illegal possession of deadly weapon ang suspek na nakilalang si Carlo G. Buitizon, 39, ng […]