Snatcher timbog sa alerting enforcer at parak
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG kawala ang isang umano’y notoryus na snatcher matapos masakote ng isang alertong pulis at traffic enforcer makaraang sikwatin ang gintong pulseras ng isang 65-anyos na lola sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Nahaharap sa kasong robbery snatching at illegal possession of deadly weapon ang suspek na nakilalang si Carlo G. Buitizon, 39, ng Carisma St., Panghulo, Malabon City.
Sa natanggap na report ng bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega, nasa tapat ng sangay ng Philippine National Bank (PNB) sa McArthur Highway, Brgy. Karuhatan, ng lungsod ang traffic enforcer na si Erick John Fajardo nang mamataan niya ang biktimang si Elena Cerbito na humihingi ng saklolo habang hinahabol ang suspek na tumangay sa kanyang gintong pulseras.
Kaagad namang hinabol ni Fajardo ang suspek hanggang sa makorner ito sa tulong ni PCpl Moore A Ugalde ng Valenzuela City Police Community Precinct (PCP)-9.
Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang isang patalim at nabawi naman ang pulseras ng biktima na nagkakahalaga ng P6,000. (Richard Mesa)
-
Gumaganap na malditang anak sa ‘Lola Magdalena’: HARLENE, kinabahan nang minura-mura at inapi-api si GLORIA
NAKIPAGSOSYO si Harlene Bautista with her Heaven’s Best Entertainment sa BenTria Productions ni Engineer Benjie Austria para sa pelikula nina Inigo Pascual at Allen Dizon, ang ‘Fatherland.’ Kaya tinanong namin si Harlene kung ano ang satisfaction niya from producing a film than being an actress. “Ano kasi, ako siguro […]
-
Ads October 21, 2024
-
Obiena bigo sa Olympic medal
Sa kanyang tatlong attempts ay nabigo si Ernest John Obiena na malundag ang 5.80 meters sa finals ng men’s pole vault. Ito ang tumapos sa kampanya ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Tokyo Olympic Games kagabi sa Japan National Stadium. Pumuwesto sa 11th place ang 6-foot-2 na si Obiena, […]