Jerald’s Cup 4-cocker, tutuka sa Marso 6 – Picazo
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
TINATAYA na ang 100 sultada sa taunang Jerald’s Cup 4-Cock Derby sa Biyernes, Marso 6 na maghuhudyat sa tag-init ng mga sabong sa Pasay City Cockpit.
Ang beteranong sabungerong si Jerald Picazo ang punong abala para rito kung saan 40-50 katao ang kanyang mga inimbitahan sa derbing mga aayudahan ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.
Ilan sa mga gamefowl breeder ay magbubuhat sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Bulacan at ilang piling mga kasapi ng National Cockers Alliance (NCA).
Samantala, nagkampeon sa nakalipas na Biyernes sa 2020 LGBA Cocker of the Year series first leg sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Jam SB Sagupaan Winning Line sa likod ng 6.5 puntos.
Nakaanim na puntos naman sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Nelson Uy/Dong Chung ng HMG, Atty. Jun Caparroso ng Jungle Wild at dalawang tinale nina Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores.
Pinahayag kamakalawa ni Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo, na bibitawan ang second leg 7-bullstag derby sa Marso 9, 16 at 23.
Makababatid ng iba pang mga detalye kina Erica at Ace sa 0945-4917-474, 0939-4724-206, 8843-1746 at 8816-6750. (REC)
-
Karagdagan 3 istasyon ng LRT 2 pinag-aaralan
MATATAPOS na ang feasibility study na ginagawa ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa pagdadagdag ng 3 istasyon sa Light Rail Transit Line 2 East Extension. Ginawa ang pag-aaral upang maraming pasahero ang mabigyan ng serbisyo at nang mabawasan ang passenger volume na dumarami sa final stop ng Masinag, Antipolo. […]
-
El Niño pinaghahandaan na ng DOH
Maagang naghahanda ngayon ang Department of Health (DOH) sa inaasahang pagdating ng El Niño na maaaring magdulot muli ng iba’t ibang uri ng sakit o outbreaks sa iba’t ibang panig ng bansa. Isang “El Niño Summit” ang isinagawa kamakailan ng DOH kung saan pinulong na ang kanilang mga Medical Center Chiefs, Chiefs of Hospitals, Regional […]
-
Pacquiao todo pasalamat sa pagbasura ng korte sa kanyang P2.2-billion tax case, giit na ‘napolitika’ lamang siya
MISTULANG nabunutan ng tinik si dating Filipino boxing champion Manny Pacquiao matapos ibinasura na ng Court of Tax Appeals ang tax case nito. Ipinaabot ni ex- Pacquiao ang kanyang pasasalamat dahil lumabas na rin aniya ang katotohanan. Inihayag nitong napolitika umano siya noon kaya nagkaroon ng nasabing isyu. At […]