• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

El Niño pinaghahandaan na ng DOH

Maagang naghahanda ngayon ang Department of Health (DOH) sa inaasahang pagdating ng El Niño na maaaring magdulot muli ng iba’t ibang uri ng sakit o outbreaks sa iba’t ibang panig ng bansa.
Isang “El Niño Summit” ang isinagawa kamakailan ng DOH kung saan pinulong na ang kanilang mga Medical Center Chiefs, Chiefs of Hospitals, Regional Directors and Assistant Regional Directors, at central office Bureau Directors, at Executive Committee members.
Nais ng DOH na maitugma ang kani-kanilang mga nasyunal at lokal na istratehiya at plano sa pag-aksyon upang mabawasan ang negatibong epekto ng El Niño.
Iprinisinta ng Department of Science and Technology-PAGASA ang kasalukuyang status ng El Niño gamit ang 2024 Heat Map.
Tinalakay rin ng mga eksperto ang mga sakit na maaring idulot ng matin­ding init at mga magi­ging senaryo kapag nagkaroon ng kakapusan sa tubig, ­enerhiya, pagkain at pagkalat ng mga sakit na ­maaring kaharapin ng mga pagamutan.
Ang El Niño at ang kabaligtaran na La Niña ay mga paulit-ulit na “climate pattern” na tinatawag ng mga siyentipiko na El Niño-Southern Oscillation (ENSO).
Sa kanilang pagtataya, patuloy na lumalala ang ENSO at umakyat ng 10% mula noong 1960 dahil sa naobserbahan na pagtaas ng “greenhouse gas” sa atmosphere.
Other News
  • PBA legends ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

    PINILI ng apat na da­ting Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo.     Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny […]

  • Kumpanyang Pfizer, payag na sumingil ng abot kayang halaga ng COVID-19 vaccine na aangkatin ng Pilipinas

    TINATAYANG limang dolyar kada shot ng COVID-19 vaccine ang halaga na kayang ibigay ng kumpanyang Pfizer sa Pilipinas.   Sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose Romualdez, alam naman kasi ng Pfizer na nasa tama lang ang estado ng bansa kaya’t handa itong sumingil nang hindi naman ganun kamahal para sa Pilipinas bilang kaalyado rin […]

  • Pinagselosan ng naging ex-bf ng singer/actress: Kuya KIM, inamin na nagkaroon talaga ng feelings noon kay GENEVA

    INAMIN ni Kuya Kim Atienza sa progamang Mars Pa More, na nagkaroon siya ng feelings noon para kay Geneva Cruz.     Sinagot lang ni Kuya Kim ang tanong sa segment ng show na ‘On The Spot’. Ang tanong ay: Sabi ko na nga ba, dapat inamin kong may feellings ako noon para kay—-, naging kami sana.” […]