• July 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BIYUDA NI KOBE BRYANT, DUROG ANG PUSO

NADUDUROG ngayon ang puso ng biyuda ni NBA legend Kobe Bryant na si Vanessa matapos malaman ang report na may mga deputy na nagpapakalat ng mga larawan sa pinangyarihan ng helicopter crash kung saan nasawi ang kanyang mister at 13-year old nilang anak na si Gianna, at pitong iba pa.

 

Pahayag ito ng abugado ni Vanessa Bryant na si Gary Robb makaraang lumutang ang mga report na ibinahagi ng mga deputies mula sa Los Angeles County sheriff at fire departments ang mga litrato ng aksidente kung saan makikita ang mga katawan ng biktima.

 

Ayon kay Robb, personal na nagtungo sa tanggapan ng sheriff si Vanessa noong mismong araw ng trahedya para ideklarang no-fly zone ang pinagbagsakan ng helicoper, at hiniling na maprotektahan ito mula sa mga photographer upang mapangalagaan daw ang dignidad ng lahat ng mga biktima at ng kanilang mga naulilang pamilya.

 

Nilarawan pa ni Robb na ang pagbabahagi ng larawan ay karumal-dumal na paglabag sa human decency, respect, at privacy rights ng biktima at pamilya nito.

 

“First responders should be trustworthy. It is inexcusable and deplorable that some deputies from the Lost Hills Sheriff’s substation, other surrounding substations and LAFD would allegedly breach their duty. This is an unspeakable violation of human decency, respect, and of the privacy rights of the victims and their families,” pahayag ni Robb. “We are demanding that those responsible for these alleged actions face the harshest possible discipline, and that their identities be brought to light, to ensure that the photos are not further disseminated. We are requesting an Internal Affairs investigation of these alleged incidents.”

 

Sa naunang pahayag, sinabi ng sheriff’s department na kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang pangyayari.

 

Bukod ito, inutos din umano sa kanilang mga deputy na burahin lahat ng larawan sa crash scene matapos magreklamo ang isang residente sa Norwalk, Califonnia na isang deputy ang nagpapakita nito sa isang bar.

 

“The Sheriff is deeply disturbed at the thought deputies could allegedly engage in such an insensitive act,” saad nito. (AP/ CNN)

Other News
  • LandBank, magbibigay sa mga batang ARBs ng P100K annual scholarship grant

    MAGBIBIGAY ang state-run Land Bank of the Philippines (LandBank)  ng P100,000 halaga ng taunang  scholarship grants sa  60  mga bata na agrarian reform beneficiaries (ARBs), magsasaka at mangingisda taun-taon hanggang 2028.  Sa ilalim ng Iskolar ng LandBank Program, pipili ang lender ng  60 scholars kada taon mula 2023 hanggang 2028, sa kondisyon na ang  P100,000  […]

  • Ex-Gilas Pilipinas player Matt Nieto pumirma ng 3-taon na kontrata sa NLEX

    NAKUHA na ng NLEX Road Warriors si dating Gilas Pilipinas player Matt Nieto.     Ayon sa NLEX mayroong tatlong taon na kontrata ito sa nasabing koponan.     Isinagawa ang pagkuha nila kay Nieto matapos na kunin ng Rain or Shine Elasto Painters ang kambal nito na si Mike.     Magugunitang pinakawalan na […]

  • Ryan Garcia: Target kong ma-knockout ang ‘hero’ kong si Pacquiao

    Hindi umano mag-aatubili ang American boxer na si Ryan Garcia na i-knockout ang kanyang “hero” na si Sen. Manny Pacquiao kung sakaling matuloy ang pinapangarap nitong laban kontra sa Fighting Senator.     Ayon kay Garcia, kahit ano pa mang klase ng laban ang mapagkakasunduan nila ni Pacquiao ay kanya raw sisikapin na mapatumba ang […]