• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DavOro nagpasaklolo sa PSC

NAGPAPAAYUDA ang Davao de Oro sa Philippine Sports Commission (PSC) partikular kay Chairman William I. Ramirez para sa pagho-host ng Davao Region Athletic Association (DAVRAA) Meet 2020 na na-reset sa Abril 1-7 sa Municipality of Montevista.

 

Sinadya ni Davao de Oro provincial sports coordinator Miles Atugan, kasama ang sports coordinators ng iba’t ibang siyudad, munisipyo at bayan sa pagbisita sa PSC chief sa Maynila.

 

“Chairman, Gov. (Jayvee Tyrone) Uy wants PSC’s help to train our coaches and athletes to improve our Davraaa Meet ranking since we are this year’s host,” ani Atugan, sa pagpapaliwanag na pumanbgsiyam lang ang probinsiya sa 2019 regional meet.

 

Sumagot naman si Ramirez kay Atugan na iprayoridad ang medal-rich sports kumpara sa mga popular ball game.
Nangako rin ang PSC chief na magpapadala ng coaches at trainers sa basketball, volleyball, football, boxing, swimming, athletics, table tennis, archery, taekwondo, at arnis, na ilan lang sa programa nito para maisagawa ang coaches’ education at sports clinics para sa DAVRAA-bound Davao de Oro athletes ngayong Marso.

 

“Leadership is important to succeed in sports. If there is no leadership, nothing will prosper. Coach leadership, discipline and character are vital in producing competitive and champion athletes,” panapos na pahayag ni Ramirez. (REC)

Other News
  • Tulong medikal at Bayanihan E-Konsulta ni Robredo, ititigil na simula June 1

    ITITIGIL na ng Office of the Vice President (OVP) ang kanilang medical assistance at Bayanihan E-Konsulta programs simula sa Hunyo 1.     Dahil dito ay hindi na rin tatanggap pa ng anumang aplikasyon para sa medical at burial assistance ang nasabing tanggapan.     Ito ay upang magbigay daan sa maayos na transition at […]

  • Quo warranto vs ABS-CBN, sa Marso 10 pa aaksyunan – SC

    IPINAGPALIBAN ng Supreme Court (SC) ang pag-aksiyon sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida laban sa ABS-CBN franchise.   Pasok sa agenda ng En Banc session kahapon (Miyerkules), ang quo warranto at gag order petitios ng SolGen laban sa Kapamilya Network pero batay sa mapagkakatiwalaang source sa Korte Suprema, ipinagpaliban […]

  • Dahil sa maling report tungkol kina Vice at Marian: GRETCHEN, pinuri ng mga netizens sa pag-issue ng public apology

    PINUPURI ngayon ng mga netizens si Gretchen Ho dahil sa pag-issue niya ng public apology sa maling report ng “Frontline sa Umaga” ng TV5 kunsaan, siya ang newscaster kina Vice Ganda at Marian Rivera.   Bukod sa dinilete ng TV5 ang tweet nila tungkol dito na talagang nireakan ni Vice Ganda, nag-tweet pa ng personal […]