Aces, Bolts, Hotshots, NLEX magsisibalikwas
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
BABAWI sa unang mga pagsemplang ang apat na koponan sa pang-apat na araw ngayon ng 45 th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 elimination round bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.
Magbabanatan sa tampok na giyera sa alas-6:45 nang gabi ang Magnolia Chicken Hotshots (0-1) at North Luzon Expressway o NLEX (0-1), habang magkukrus ng landas sa panghimagas na sultada sa alas-4:00 nang hapon ang Manila Electric Company o Meralco (0-1) at Alaska Milk (0-1).
Napulutan ang Pambansang Manokng defending champion San Miguel Beer sa unang pagbubukas ng propesyonal na liga noong Marso 8 sa Araneta Coliseum sa Quezon City, 94-78, bago nagka- lockdown dahil sa Covid-19 upang matengga ang all-Pinoy conference ng pitong buwan.
Nasagasaan ang Road War- riors ng Barangay Ginebra San Miguel nitong Linggo sa muling pagsisimula ng torneo sa AUFSACC, 102-92.
Napanis ang Aces laban sa Talk ‘N Text, 100-95, nito ring Oktubre 1 1, samantalang napundi ang Bolts sa Phoenix Super LPG, 116-98.
Inaasahang kakahig sa mga manok ni coach Ercito (Chito) Victolero sina Paul John Dalistan Lee, Ian Paul Sangalang at Jackson Corpus na mga nagtubog ng 19 at tig-16 points kontra Beermen. (REC)
-
Herd immunity sa Maynila kayang maabot hanggang Setyembre
Tiwala ang Manila City Governments na makakamit nila ang herd immunity hanggang sa Setyembre. Ito ay dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagpapabakuna sa mga residente doon. Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mayroong mahigit 35,000 kada araw silang nababakunahan mula ng palakasin ang vaccination drive ng city government. […]
-
CARDINAL TAGLE NAKUHA ANG COVID SA EROPLANO O AIRPORT
MALAKI ang paniniwala ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na nakuha ni Cardinal Luis Antonio Tagle, nagpositibo sa COVID-19,ang virus sa eroplano o sa paliparan. Ito ang inihayag ni Acting CBCP President Pablo David ,dahil nag negatibo naman si Tagle sa swab test na isinagawa sa Rome noong Setyembre 7. Hindi […]
-
Cignal stuns Creamline, zeroes in on finals
Natigilan si Riri Meneses nang ibuka niya ang kanyang mga pakpak sa isang kilos ng pagtatagumpay at ang Cignal HD Spikers ay tumabi sa kanilang panig ng court upang ipagdiwang ang isang key 23-25, 25-23, 28-26, 25-18 tagumpay laban sa pinangarap. Creamline Cool Smashers noong Linggo bago ang malaking tao sa Linggo sa Smart Araneta […]