CARDINAL TAGLE NAKUHA ANG COVID SA EROPLANO O AIRPORT
- Published on September 16, 2020
- by @peoplesbalita
MALAKI ang paniniwala ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na nakuha ni Cardinal Luis Antonio Tagle, nagpositibo sa COVID-19,ang virus sa eroplano o sa paliparan.
Ito ang inihayag ni Acting CBCP President Pablo David ,dahil nag negatibo naman si Tagle sa swab test na isinagawa sa Rome noong Setyembre 7.
Hindi naman kasi maiwasan ni Tagle ang makipaghalubilo sa mga tao bilang kilalang mataas na opisyal sa Vatican.
Nalaman na umuwi sa Pilipinas si Tagle para dalawin ang kanyang mga magulang sa Imus ,Cavite pero hindi pa niya ito magagawa dahil kinakailangan na sumailalim siya sa 14 na araw na quarantine period .
Nabatid na asymptomatic naman ang Cardinal at walang nararamdaman na sintomas ng COVID-19 sa katawan.
Gayunman, patuloy na humihingi ng panalangin sa publiko ang CBCP para sa paggaling ni Cardinal Tagle.
Nalaman sa hanay ng CBCP, may lima na ang dinapuan ng COVID-19, kabilang na ang namayapang si Emeritus Arch.Oscar Cruz. (GENE ADSUARA)
-
Hiyas ng Bulacan Cultural Center, ipinagdiwang ang gintong anibersaryo ng pagkakatatag
LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagdiwang ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng “HIYAS: Ang Kasaysayan” sa ginanap na Pagdiriwang ng Pambansang Buwan Ng Pamana 2022 sa Bulwagang Guillermo Tolentino at Tanghalang Nicanor Abelardo, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa lungsod na ito noong Mayo […]
-
Pinagdiinan na, “I don’t need anyone to survive”… HEART, ‘di napigilang patulan ang basher na tinawag siyang ‘gold digger’
HINDI na naman nakapagpigil ang Kapuso actress -vlogger na si Heart Evangelista na patulan ang isang basher na kung saan tinawag siyang ‘gold digger’. Wala ngang takot ang Twitter user na si @BasherNgBayan sa panglalait sa asawa ni Sen. Chiz Escudero at sinabi nitong, “Si @heart021485 is a gold digger is a fact.” […]
-
Walang fare hike
Hindi kinatigan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang panawagan ng mga transport groups na magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa public utility jeepneys (PUJs). Ito ang sinabi ni Tugade sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng signing ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr at Department […]