Murder suspect sa Navotas, arestado
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
Makaraan ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas city, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St. Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 Most Wanted Person sa lungsod ay resulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operations na isinagawa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/SMSgt. Anthony Santillan.
Si Igana ay inakusahan sa pagpatay kay John Frederick Bacongan habang naglalakad ang biktima pauwi sa Brgy. Daanghari noong July 23, 2008.
Ani Col. Balasabas, may personal umanong galit ang suspek kontra sa biktima kung kaya’t pinagsasaksak nito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Bacongan hanggang sa mamatay.
Matapos ang pagpatay, nagtago si Igana hanggang sa makatanggap si Sgt. Santillan ng tip mula sa kanilang impormante na ang akusado ay madalas bumibisita sa kanyang pamilya sa Brgy. Daanghari.
Dakong 3 ng hapon, inaresto ng mga pulis si Igana sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Branch 169 sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)
-
Gamot para sa cancer, diabetes, at mental health, aalisin na ang buwis —FDA
INANUNSYO ng Food and Drugs Administration (FDA) ang abot kaya ng mga gamot para sa cancer, diabetes at mental health kung saan aalisin na ang buwis ng mga ito. Batay sa Republic Act No. 11534 ng section 12 na kilala bilang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, kung saan […]
-
DOH: 12K COVID-19 testing backlogs sanhi ng ‘overwhelmed’ labs
Higit 12,000 ng isinumiteng sample para sa COVID-19 ang kinonsiderang backlogs sa iba’t ibang laboratoryo sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) noong Biyernes. Sa isang virtual forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng delay sa pagproseso ng mga sample na ito ay dahil […]
-
P750k ibibigay ng PSC kay Yulo
Kagaya noong 2019, muling binigyan ng Philippine Sports Commission (PSC) ng espesyal na cash incentives si 2021 World Artistic Gymnastics Championships gold medalist Caloy Yulo. Inaprubahan kahapon ng PSC Board ang insentibong P500,000 para sa gold at P250,000 para sa silver medal na nakuha ni Yulo sa nakaraang world championships sa Kitakyushu, Japan. […]